kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

sunkissed lola – damag كلمات اغاني

Loading...

[intro]
habang malalim ang gabi
ating sulitin na ang bawat sandali
dahan_dahan mong ibaling ang iyong tingin
patungo sa akin

[instrumental break]

[verse 1]
‘di mo ba gustong ako’y nagsusumamo
para kang bugtong, palagi kang malabo
‘di mapakali, damdamin ay kabado
ikaw na ang sanhi, ikaw pa rin ang puno’t dulo
[pre_chorus]
ba’t ‘di ba pwedeng pagbigyan ang nararamdaman?
manatili munang magkatabi
hanggang umaga lang

[chorus]
makasama habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)
ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)
dahan_dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan)
patungo sa akin (sasamahan ka)

[verse 2]
napahiling at napasabi na lang
na baka sakaling mapasakin ka nga
pumikit, humingang malalim
humikbi pasimple sa hangin, halika, halika
iniisip kung aanhin ko pa ang
dinadala kong pagmamahal
kung ‘di naman ikaw ang tatanggap
tingnan mo mata ko babakat
na ‘di lamang ako nagpapanggap
nag_aalala ka kung tatagal
eh, araw_araw nga kitang minahal
magandang simula ang ilang salita
pasalamat pa nga’t nakausap kita
sang_ayon man o hindi ating paligid
sasalubungin ko ang iyong tinig
sasaludo sa’yo aking pag_ibig, aking pag_ibig
papel ko sa’yo ay sulatan mo lamang
sana mapunan mo na ang blangko
ako ang pader kung gusto ng sandalan
sa mga laban na hinaharap mo
sabay tayo na matututo
alamin lang natin ang panuto
paghirapan kahit magkulang ang tulog
handa kong manatili kaya
[bridge]
pwedeng pagbigyan
ang nararamdaman, mm_mm_mm (nararamdaman)
sa’kin ay tumabi
hanggang umaga lang (hanggang umaga lang)

[chorus]
mahagkan ka habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)
ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)
dahan_dahan mong ibaling ang iyong tingin
tungo sa akin (samahan ka)

[outro]
makasama hanggang umaga (hahawakan)
‘di mo kailangang mag_atubili (magdamagan)
dito ka sa aking tabi (sasamahan ka, mahal)
mahagkan ka hanggang umaga (hahawakan)
‘di mo kailangang mag_atubili (magdamagan)
dito ka sa aking tabi (sasamahan ka)

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...