kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

stick figgas – lamanloob كلمات اغاني

Loading...

kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
malamang ako’y mapapagkamalang walang pusong nilalang
ngunit ‘pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
mukhang ako’y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto_uto at utak na mapanlinlang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto_uto at utak na mapanlinlang

sunod_sunuran naman ako sa’yo lagi na lang ba tayong ganito
sabi nang iba, ‘wag ko na nga lang daw isipin
dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin
kinanta mo sa akin ang lahat ng lihim
kapalit ng sarili kong handang magpa_alipin
para lang mga pangarap kong matagal
nang nakabitin gawing katotohanan pagkagising
sa gutom at gigil hakbang ako’y pasugod
walang alam sa kung anong pwedeng mangyari kasunod
biglang dating ng eksenang ng_yon ko lang napanuod
ang masamang aso’y muli na namang nagpakabusog
nangangahulugang walang may kayang mag_isa
kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila kung may nahuli ka
mga aral ata’y napupulot lamang kapag nasa sahig ka na
may mga bag_y sa mundo iba’t ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak?
o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob

sunod_sunuran na naman ako sa’yo
lagi na lang ba tayong ganito? sabi ng utak ko sakin
wag ko na lang damdamin, isipin ng mabuti ang bawat hakbang ng gagawin
kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo
punuin mo ng kaalaaman yang ulo mo, katoto
‘di na pwede yung tulad ng dating puro na lang oo
uulitin lang kung ano itinuro parang loro sa bokabularyo ko
hindi na uso ang bumoto sa gobyernong walang aasahang tulong at saklolo
ba’t di ka mag_isip mag_isa matuto kang magsolo
‘di pwedeng puro palakpak dapat una muna pondo
ubod ng metikuloso na ang utak ko
ayoko na kasing akoy maisahan madugas o maloko
natuto nako sa’tin, nung binuhos ko nang todo ang lakas
at ang tiwala ko sa puso ko na bobo
may mga bag_y sa mundo iba’t ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak?
o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob!
‘wag matakot sa nararamdaman
sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo, ohh
ang kasaguta’y nasa isip mo lang
buksan mo, bukasan mo, buksan mo, bukasan mo, ohh
wala nang natira ni katiting na porsyento
ng lakas para makapag_isip
ng diretso kailangan kong prumoseso
kung may magtuturo lang ng tunay
na mag_uugnay sa akin patungo sa templo
nag_uumapaw sa utak mga ideya at konsepto
retoke paulit_ulit imposibleng makuntento
perpekto na ang plano bawat detalye at k_mpleto
pero wala ‘kong lakas ng loob gawing konkreto
sinusod ko nga ang puso at ang utak
sinuway, binusog ko ang damdamin
ngunit bulsa’y umaray kung legal ang pumaslang
marami na ‘kong napatay
wala na ngang puso sunog pa ang baga pati atay
napakapit kay inay ang pasmado kong kamay
mga payo ni itay tangi kong gabay
sa puso mo ipasok at sa isip ilag_y
kung ika’y nalilito gamitin mo ng sabay kasi

may mga bag_y sa mundo iba’t ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak?
o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob!
wag matakot sa nararamdaman
sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo, ohh
ang kasaguta’y nasa isip mo lang
buksan mo, bukasan mo, buksan mo, bukasan mo, ohh

kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
malamang ako’y mapapagkamalang walang pusong nilalang
ngunit ‘pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
mukhang ako’y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto_uto at utak na mapanlinlang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto_uto at utak na mapanlinlang

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...