kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

paul pablo – yugto كلمات اغاني

Loading...

[intro]
tuwing hatinggabi, maririnig mo ang huni
ng mga kaluluw_ng naliligaw
lahat ng pera sa mundo, hindi kayang gawing ginto
ang huwad na tao

[verse 1]
sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

[verse 2]
sa gitna ng kaguluhan, may k_mukulong bulkan
‘di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
kung kaya kang paikutin, tiyak paiikutin ka

[bridge]
ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
ang pag_ibig na hawak mo’y hindi malulubog

[refrain]
oh oh, ho ho ho
oh oh, ho ho ho
ang mga tinig, palakas nang palakas
hanggang gumuho ang mga hadlang
ang mga tinig, palakas nang palakas
(hanggang gumuho ang mga hadlang)
[verse 3]
sa gitna ng kadiliman, may buwitreng nagmamasid
may magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
iiyak ang mga batang nahulugan ng candy
lahat ng mga problema sa iba’y sinisisi

[verse 4]
sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
itinuring mong kaibigan na pinakamatalik
leeg mo’y pupuluputan, dugo mo’y sisipsipin
kapag wala ka nang pakinabang
ending mo ay sa bangin

[bridge]
ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
ang pag_ibig na hawak mo’y hindi malulubog
lumiyab ka
lumiyab
lumiyab
lumiyab

[verse 5]
sa ngalan ng katotohanan (lumiyab ka)
sa ngalan ng iyong dangal (lumiyab ka)
ang puso at iyong isipan (lumiyab ka)
ialay mo sa maykapal
[verse 6]
saksi ang langit sa lahat ng naganap
saksi ang langit sa ikalaw_ng yugto
lumiyab ka

[refrain]
oh oh, ho ho ho
oh oh, ho ho ho
ang mga tinig, palakas nang palakas
hanggang gumuho ang mga hadlang
ang mga tinig, palakas nang palakas
(hanggang gumuho ang mga hadlang)

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...