kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

palos (ph) – hunghang كلمات اغاني

Loading...

hunghang lyrics
[chorus: jmara]
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!

[verse 1: palos]
isang pangangamusta sa mga anak
na di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap
lakas pumorma animo’y nakakaakit na talulot
sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog
kabataang di dumanas sa kalsada magtinda
lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba
sayo ako nakaharap, wag kang umastang bingi
perang gamit pambisyo sa nanay pa hiningi
pinag_aral ng magulang panggugulang ang inaral
maaliwalas na pagmumukha skwating ang asal
edukadong naturingan may maayos na balabal
pag_asa ng bayan ang pangunahing sasagabal
misyon mong mag_ala konsi bat naging konsimisyon?
sa pag_usad ng bansang may mataas na ambisyon
palag_y ko nga, totoo lahat ng binibiro
kaya bayan ni juan kasi tamad ang pilipino
[chorus: jmara]
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!

[verse 2: palos]
kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis?
hindi halatang madumi kasi panay ang bihis
kapag satin humarap, laging bago ang balat
tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat
alagad daw ng batas, pero parang may sablay
sa kamay nilalag_y kaya merong namamatay
ibang klaseng magsasaka sila kung di nyo napansin
umaani ng sagana kasi satin nagtanim
bagong bayani kuno, nagtataguyod daw ng tama
pag aking isiniwalat ako’y sasalo ng bala
tapos sasabihin sakin di lahat ganyan ganon
kung totoo, bakit di ko man lang naranasan yon?
di naman purong b_n_l pero kung tatanungin nyo ko
diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao?
pag mayaman negosyante tawag pag mahirap tulak
benta mo palasyo mo para may pambili kang utak!
[chorus: jmara]
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!
ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
mga sabik matamo, mga gustong umabot
diyos ko po! pinagmukha na tayong hunghang!

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...