kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

nonoy zuniga – magandang gabi كلمات اغاني

Loading...

ito na ang gabing hinihintay
mga tagahanga ko’y nagdatingang lahat
nanabik kong marinig inyong palakpak

mayroong kaba sa aking dibdib
pinapawisan pa ng tila malagkit
ito ang dinaranas ko sa tuwing palabas

magandang gabi sa inyong lahat
ako’y nagagalak
at kayo’y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
magandang gabi sa inyong lahat
ako’y nagagalak
at tayo’y nagkaniig, kahit konting sandali
sa harap ninyo ay walang lungkot
suliranin ko’y bigla ring nalilimot
ngiti ninyo’y mabisa nang gamot

sa indak nitong musikang inaalay
nararamdaman ko pintig ng inyong buhay
bumibilis, nag_iibang kulay

magandang gabi sa inyong lahat
ako’y nagagalak
at kayo’y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
magandang gabi sa inyong lahat
ako’y nagagalak
at tayo’y nagkaniig, kahit konting sandali

pag nagdilim na ang ilaw
hinahanap pa rin kayo
kung di dahil sa inyong lahat
ako’y wala rito

ito nga ang gabing hinihintay
sana’y di magwakas, sandaling nagniningning
alay sa lahat ng dumating

magandang gabi
maraming salamat sa inyong lahat
hanggang sa muling pagsasama

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...