kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

nero (ph) – patibong كلمات اغاني

Loading...

verse 1:
unang tanong makakatakas ka pa ba?
gusto ko ng kasagutang patas at tsaka
tumingin sa kaliwa ang malas na daga
minsan ang kaakbay mo ay ahas na pala

hinihintay kang umalis para wala kang magawa
sige kapit lang! at maghanda ka pababa
babala! wag magtiwalang may kasama baka
sinasakyan ka lang nila sinasagasaan ka pa

sa gitna may paguusap ikaw ang pulutan mga kaibigang piniling lumutang
plastic basahan! badtrip kasama
di ka pang mmk kase di ka makaalala

matapos kunin ang puso sa tikas ng tindig
kanser! iiwanan kang may hiwa sa dibdib
‘di dakila kahit magtahi ng sariling bandila
merong kilos o galaw ngunit wala ka pang diwa

refrain 1:
kaya diko pipigilin ang mga tao o pipilitin
kase hindi rin magpapaipit ang tao’t magpapabitin sa….

chorus:
patibong! babait bait pa sila!
patibong! babaliktarin ka nila!
patibong! kakaladkarin pahiga!
pagkatapos tatapakan hangga’t di makahinga!

patibong! likha ng kaibigan mong masipag!
patibong! tumayo at dapat di nagpapatinag!
patibong! maaaninag ang liwanag at ang sinag!
hayaan na mahulog sa sarili nilang bitag!

verse 2:
ako ay may nalaman di ka raw nya kaibigan
yan ay sabi lamang ng iyong pinagsabihan
walang utang na loob pagkatapos ilibre
wala ka raw kwenta at wala ka raw silbi

sakanya… kase hindi ka raw mahalaga
mabilis kang naibenta mahal ka ba talaga?
kaya likas sa tulad ko na kayang manatili
natural kong bitamina mga lason sa paligid

angkop ang sistema sa kapaligiran
cerebral ito’y malaking palaisipan
kung dating may kupas nagkakaron ng kulay
kaibigan mo na tunay lamang sa libing at hukay

kaya…. kung ako sayo kailangang magtanda na
bago pa magsiwalaan aking mga kababata
hirap kase sayo gusto mo pang may makabasa
bago mo pa tuldukan ang mga likha mo na talata

refrain 2:
nakatala sa mga tala, makasama sa panatang
kapag may madada mga pagbabanta dapat handang handa kaya dapa kapag may

chorus:
patibong! babait bait pa sila!
patibong! babaliktarin ka nila!
patibong! kakaladkarin pahiga!
pagkatapos tatapakan hangga’t di makahinga!

patibong! likha ng kaibigan mong masipag!
patibong! tumayo at dapat di nagpapatinag!
patibong! maaaninag ang liwanag at ang sinag!
hayaan na mahulog sa sarili nilang bitag!

verse 3:
usad pagong ang arte ng pagabante mo
habang ako kapatid ko si wanda maximoff
etong makakating dila na panay hinala
dapat dito pinapakamot na ka’y t’challa

biyaya ba kapag meron ka nung kada alb-m?
pag soundtrip mo metal bawal maging adamantium
isa lang dapat idol mong pinagtuunan
galit kay hawk eye marami raw tinututukan

malamang napansin mo ang hinihirit ko
batang tugmaan na tugma sa pagiisip mo
sa panahon ng-yon dika na makapagmaktol
bida bida ang makabagong tagapagtanggol

kaya tol! sana lang hindi ka matalisod
sa circle of friends mong ikaw ang binibilog
sa balahibo nakakapanindig
gusto ko lang pakinggan mo bilang pagpaparinig!

outro:
mga nagpapakita ng ugaling pambihira sa gitna ng sigwa
minsan gusto ko na lang kayong murahin sa mukha para mas abot kaya ang palitan ng tinda
pana-panahon ng pagkakataon at ito ang awit na alay ko sa mga makabagong sutel
kanlungan ngunit darating ang oras na di ka na rin makakabangon noel!

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...