kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

migo señires – mundo كلمات اغاني

Loading...

[hook]
handa ka bang sumama 2x
tayo’y mag lalakbay 2x
patungo sa umaga 2x
nang mag kakaakbay 2x
sa iisang mundo..
pareparehas naman tayo
iisa lang ang punto..
magkakasama hanggang sa huli
sa iisang mundo..
pare sa rehas ay talo
iisa lang ang laro..laro..laro..laro
sama sama para madali..dali..dali

[verse 1]

laro? ano tagutaguan? masyado akong mahiyain
ako? yung tipong tahimik lang pero grabeng pagkamalikhain..kapag may
sakunang dumaan kanya kanyang iwanan imbis magbayanihan
iba’t ibang sekta’t ibang dayalektang dala ni bathala’t amihan
bagkos angkas sa isang bisikletang rekta dahan dahang bbwelta
masdan mo ang tanging galing, pwede kong ialay ang aking pwersa
iba’t iba man to pero pareho palaging k-mpleto’t walang iwanan
akyat sa pedestal walang preno preno makipag sabayan sa sambayanan
mata sa langit..paa sa lupa..wag mong hintaying humupa ang baha
matuto kang makipag sapalaran..kahit gusot gusot nang yong mhuka
kamalasan mo’y idura, maging pusitibo sa bawat gawa
ipunin ang pawis dugo at luha ganyan talaga lahat sa umpisa, ha
umpisahan na, at wag nang tigilan ang paglalayag..
iisang pwersang sasabak sa gera upang ang bandera ay maitatag
at ipapahayag, ko sa lahat na hindi pa laglag ang ating bansa
talagang makamandag ang bawat kasama ang tanong ko sayo ay kung handa..

[hook]
handa ka bang sumama 2x
tayo’y mag lalakbay 2x
patungo sa umaga 2x
nang mag kakaakbay 2x
sa iisang mundo..
pareparehas naman tayo
iisa lang ang punto..
magkakasama hanggang sa huli
sa iisang mundo..
pare sa rehas ay talo
iisa lang ang laro..laro..laro..laro
sama sama para madali..dali..dali

[verse 2]
dalian mo na jan juan, bilisan mo at baka mapag iwanan
iyong tandaan sa laro na ito ay kailangan handang makipag tulungan
upang..dumali ang pag lutang ng lupang lumubog dahil sa utang
kaya mag kusang maging magilas at k-milos ipakitang pilipinas ay hinding hindi mauubusan
ng matikas matigas at malakas, kapag ika’y pinoy pangarap mo ay mataas
kahit masakit at mapait ang nakaraan. wala paring puot gusot oh lungkot na nakabakas
basta’t magkaisa, dapat walang iba, pagkat tayo ay parepareho
ang pangkat ay iisa ang naiiba lang ay ang nag mamaneho
walang preno preno mga lapis na purol ay simulan nang tasahan, mahusay naman yung nag mamaneho
pero importante parin ang karanasan dalasan ang pagdarasal at tamang asal at talento
mga proyektong pang marami at kunseptong pag inani’y talagang mamamangha
puno na ang bangka ng iba’t ibang paksa ang tanong ko lang sayo ay kung handa..

[outro]
handa ka bang sumama 4x
handa kabang sumama..handa kabang sumama sa iisang..
sa iisang mundo..
pareparehas naman tayo
iisang mundo..
magkakasama hanggang sa huli
iisang mundo..
pare sa rehas ay talo
iisang mundo…
sama sama para madali..dali..dali

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...