kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

michael v – probinsyano كلمات اغاني

Loading...

[verse 1]
ako’y probinsyano, purong batangueño
nangarap lumuwas, maghahanap ng trabaho dito
alam niyo?
ang perang bitbit ko’y inutang pa ng tatay ko
ang kanyang bilin, ‘di dapat kalimutan
huwag ipakitang wala akong alam kanino man
upang ‘di maisahan
ng mga manlolokong promdi ang binabanatan
sa terminal ng bus na pampasahero
sa akin may nagtanong, “loton ka ba, pare ko?”
upang ‘di mahalata ay sumagot ako
at ang sabi ko na lang, “k_musta na ba’ng inaanak ko?
g_ya ng nakasanayan, kapag mayro’ng hagdanan
pares ng aking tsinelas ay akin lang iiwan
nang sa bus ay bumaba, ito’y ‘di namataan
nasabi ko na lang, “ala eh, grabe kawatan”

[chorus]
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano

[verse 2]
sa’king paglalakad, ako ay nagtaka
bakit dito sa maynila, wala nang nakapalda?
lalaki sa babae, walang pinag_iba
mahahaba ang buhok at may hikaw pa sa tainga
akin ding napagmasdan, mga kababaihan
hindi ko nakilala kung ‘di pa nagtawanan
ang usapan, aking napakinggan
ang sabi ng isa, “saang planeta galing ‘yan?”
nang aking mapansin bawat taong magdaan
bakit lahat sila sabay_sabay kung magtawanan?
nang aking mapuna, ako pala’ng tinitingnan
‘pagkat bukayo kong dala, akin palang naupuan
[chorus]
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano

[instrumental break]

[chorus]
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano

[verse 3]
habang aking hinahanap itong pupuntahan
mayro’ng isang babae akong nakatinginan
ako ay nagulat nang ako ay kindatan
lumapit siya’t ang sabi “pogi, please, join me naman”
ako ay natigilan, pilit pinag_isipan
ang babae bang ito’y aking kababayan?
‘di ko pa nasasagot itong katanungan
itong seksing babae, nag_aya sa sinehan
‘di maipaliwanag aking naramdaman
sa kasama kong babae, ako’y sunod_sunuran
sa loob ng sinehan, ako’y kinabahan
kay dilim ng paligid, ‘di kami magkakitaan
pakapa_kapa akong naghanap ng upuan
kaya’t nalimot ko ang babaeng sinamahan
nang aking mapansin ang aking lukbutan
walang umaalog at tila yata gumaan
ako’y nagdumaling lumabas ng sinehan
noon ko lang nalaman, ako ay nadukutan
naglalakad akong mukha’y nakasimangot
umaasa na makita pa ang mandurukot
nang may isang lalaking humarang sa daan
bigla na lang sinabing “pare, may piso ka ba d’yan?
ako ay natigilan, walang maibig_y
hindi nakasagot, natuyuan na ng laway
nainis ang lalaki, ako ay inupakan
nagtawag pa ng iba at ako’y pinagtulungan
bugbog ang inabot, kay laking disgrasya
kaya’t napilitang umuwi na ng probinsya
kaya, mga kabayan, makinig kayo
kung pupuntang maynila, magdala kayo ng piso
kung wala kayong piso, bugbog aabutin niyo
‘wag na lang mangarap na maging manileño
[chorus]
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano
oh, oh_oh, oh_oh_oh
oh, oh_oh, probinsyano

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...