kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

loonie – tugmang preso كلمات اغاني

Loading...

[intro]
isang sikat na fliptop rapper ang inaresto sa buy bust operation sa makati city
siya si marlon peroramas o mas kilala bilang si loonie
members of makati’s drug enforcement unit have arrested rapper loonie
nakuhanan sila ng isang pakete ng droga
miyerkules nung nakaraang linggo, nang maaresto si loonie
at apat na iba pa, matapos mak_mpiskahan ng bush for high grade marijuana

[verse 1]
bagamat makulay ang mga pabalat
alam mong mahusay ang pagkakalahad
mga tunay na ganap, isinulat ng parak
kaya ‘wag ka nang magulat kung magtutugma lahat
sapagkat ito’y galing sa memorya, isang napaka_importante na istorya
ito ang aking personal na testimonya, pangontra sa mga ignorante na teyorya

[verse 2]
ito ay tunay na buhay, wala ‘kong dahilan para magsinungaling at mga detalye palitan
ito ang kwento kung pa’no kami tinaniman ng marijuana ng mga parak na mukhang taliban
bandang alas otso ng gabi sa pilipinas, sa isang gusali doon sa may ortigas
walang oras bago ang rehas ay mahimas, kasama ko si ron henley ng stick figgas
may interview kami sa radyo nung gabi na ‘yon
tungkol sa marijuana at sa legalisasyon
pagkatapos namin umalis agad sa istasyon
dahil meron pa ‘kong pupuntahang isang okasyon
do’n sa poblacion, birthday daw ni shawn
‘yun lang alam ko na detalye pa noon
medyo masama ang panahon, umaambon
kaya tinext ko na si utol pumunta ka na ng_yon
humiwalay na si ron, sumakay ng taxi, dahil bukas may recording pa kami ni klumcee
utol kong si idyll, sinundo ako sa lobby, gamit ang aking subaru na tunog ferrari
saan tayo pupunta? private daw na party
‘yung reception ay isang hotel do’n sa makati
bata na may cancer, k_montak kaniyang mommy
idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby
pangalan daw ay shawn, walang pake sa money
kasi handang magbayad kahit magkano si daddy
lumambot ang aking puso nung una ko narinig
naawa ako kay shawn, mga luha nangilid
nung nalaman kong lag_y na daw ng bata tagilid
‘di niyo kailangan magbayad, pupunta ako sa event
rekta sa makati kahit traffic ay kainip
[interlude]
hay!

[verse 3]
kasama ko si rude at si ivan ang sikip
at si kuya albert ‘yung driver kong mabait
at tsaka si idyll aking manager at kapatid
na merong talastimya, isang kakaibang sakit
kailangan niya laging salinan ng dugo na pantawid
at dahil malapit lang sa hotel ‘yung makati med
sumabay na lang siya sa’min para mas makatipid

[interlude]
sabay ka na para isang kotse na lang

[verse 4]
‘yung katabi ko sa back seat, si rude boy at si ivan
documentation, security at hype man, bali siksikan kami sa aking tsikot (wag malikot!)
tatlo kaming mga lalaki sa likod
pagdating sa makati, sakto lang ‘yung tayming
nag_text na rin ‘yung mommy at nagsabing nag_start na daw ‘yung party
sa bas_m_nt daw ‘yung parking, salamat sa pagpunta, pasok lang kayo, darling
pagbaba ng kotse, hinanap ko ‘yung main floor, may nagpa_litrato sa tabi ng elevator
idol pwede favor? baka pwede magpa_picture kasi idol na idol ka talaga ng anak ko na grade four (yeah, four!)
nag_selfie kaming dalawa sa kaniyang razor, tapos tinutok sa’kin ‘yung baril ni terminator (positive, sir!)
pero bilang na rator, lagyan natin ng flavor
para ‘di masyadong halata ‘yung trauma ko na major (what the f_ck?)
nakakagulantang ‘sang katutak na ninja cops sa amin ang tumambang
parang wutang clan lang, lampas sampu lumabas sa van
pasensya na idol, napag_utusan lang
humakbang paatras at wala nang nagawa
tinutukan ng beretta sa mukha
pinadapa, pinosasan, pilit pinapatingin sa baba
mga bulsa namin isa_isa nilang kinapa
akala ko kidnap for ransom ang sadya o kaya baka prank lang ‘to na malala, ‘langhiya
[interlude]
dapa, dapa, dapa!
kamay sa likod, tingin sa baba
dapa sabi eh!

[verse 5]
nakadapa kami habang napapanood ng aking utol na kasalukuyang naka_bukod
may tinabi silang kahon, malakas kaniyang kutob na meron ‘tong mga lamang kontrabando sa loob
tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak, nung isa na sa mga kasama nila nasapak
walang uniporme at naka_maskara lang lahat, walang mirandang binasa, basta_basta lang agad (my god!)
sikat na hotel at nakakapagtaka’y maraming cctv, lahat nakapatay
wala man lang body cam na nakalag_y, kahit kuha man lang ng cellphone, gamit kamay
sabi daw ng pulisya, sa’kin daw nak_mpiska pero ‘di mak_mpirma
kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma
walang video ng palitan, magmula nung umpisa
kung under surveillance pala dapat may footage ka (‘di ba? kung under surveillance pala dapat may footage na)

[verse 6]
kung normal na tao nagva_viral ‘pag nahuli siya
paano na lang kaya kung si loonie pa
nung nasagot ko ‘yung pdea at aking kinondena
mga ulo nila bigla nagkaroon ng bumbilya para ma_promote sa pwesto, ako ang pinuntirya
ng mga ninja cops na gustong magbida_bida (‘di ba, ‘di ba?)
bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood nila ‘yung live ko sa pdea
nung binan nila ‘yung kantang “amatz” dahil sa tema
pero “maria hiwaga” ni sassa, walang problema
aba, punyeta talamak na ang taniman
buy bust daw kaso bakit parang madalian
‘di ba dapat pinaghahandaan ‘yan at kalimitan minamanmanan ng malayuan, malapitan
may mga camera na nakatago sa pagitan kaya medyo weirdo kasi walang video ng palitan
akala ko ba buy bust ‘to na malakihan, nakakapagtaka lang, kaibigan
[verse 7]
gusto mong maintindihan at mabatid
gamitin mo lang ang sentido k_mon, kapatid
para sa isang daang libro magpapaka_astig
kayang_kaya ko ‘yang kitain ng triple isang gig
at kung pusher man ako na sinasabi nilang weed
bakit naman ako pa mismo maghahatid
ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka bihira mong makita sa kalsada tumawid
at bakit ako magbebenta sa ‘di ko kakilala
kung sa eksena ko ay maraming nagma_marijuana
bakit ko papahirapan ang sarili ko habang sinusugal ang karerang matagal kong pinagsikapan
bakit isasama ko pa ‘yung kapatid kong may karamdaman
at camera man para mag_vlog ng kaganapan
walang saysay na mga paratang paw_ng haka_haka lamang para pangalan ko ay yurakan

[outro]
alam kong meron akong mga paa na natapakan
ngunit ‘di ko ‘yon sinasadya, ako ay tao lamang
pinaglaban lang ang paglikha ng merong kalayaan
at kung ‘yon ay masama, ‘yun lang ang aking kasalanan

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...