kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kyle anunciacion – gusto ko na كلمات اغاني

Loading...

ayaw ko sa basa
sa mga butil ng ambon at panakanakang pagbuhos ng ulan
wari’y binabasa nito ang matagal mo nang tuyong nakaraan

ayaw ko sa araw
kapag pinapaso ang lahat
habang sumasabay sa nagngingiyak na balat

ayaw ko sa kare_kare
sa nagpupumiglas na pag nguya
dahil hindi ko mahagilap ang sarap

ayaw ko sa bago
nakakatakot ang sumubok
sa mga bag_y na hindi nakasanayan nitong iniaalok

ayaw ko sa libro
mga pahinang maraming sinasabi
ako’y nagbubulagbulagan
madalas ring nabibingi

ayaw kong tumanda
sa matuling paglisan ng mga araw
naiiwan
naiiwan at hahabulin ng tanaw
ayaw ko noon

gusto ko na ng ulan
sa kalmadong idinudulot na pakiramdam
nalulunod sa kalig_yahan ng pag patak sa daan

gusto ko na ng araw
nakabubulag na sinag ng liwanag sa kapaligiran
gabay sa aking hakbang sa paroroonan

gusto ko na ng kare_kare
ang lasa sa dila
matatamis na mga salita

gusto ko na ng bago
lahat_lahat ng bago
ang dating takot
siya ng_yong namamaluktot

gusto ko na ng libro
musika sa pagbuklat ng mga pahina
kausap at karamay sa sandaling nag_iisa

gusto ko nang tumanda
basta ikaw ang makikita
magdahan_dahan man ang lakad
maubos man ang salita
gusto ko na
dahil sa’yo
ng_yon
ginusto ko na

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...