kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

khryss arañas – pesante كلمات اغاني

Loading...

mga kamay ay puno ng butil ng bigas
sila ang bumubuhay sa mga taong nangangahas
na sabihing wala silang pake sa dahas
na dinadanas ng mga pumipitas ng kung anong

sa kinakain mo ay may dugong dumanak!
wala ka pa rin bang balak na baguhin
ang pagtingin sa sistemang mapagpanggap
na akala mo’y ikaw ay lumalanghap ng kalayaan
ng kalayaan?
ng kalayaan?
ng kalayaan?

lupang pinangako!
lupang minana!

gobyerno, alis! umalis ka sa lupang ninuno!
kapalit ng kwarta ay dugo—ang pinandidilig para sa mga luho
kinabukasa’y saan napapadpad kundi sa kalayaang huwad?
mga hambog—mga berdugo’y ninanakaw pati ang buhay mo!

pesante, mabuhay ka! lupa mo ay inaangkin na!
mga hambog! mga mandarambong! baril ay pumuputok habang ako’y tumutugtog!

oh, oh, oh!
pesante, mabuhay ka!

mga kamay ay puno ng butil ng bigas
sila ang bumubuhay sa mga taong nangangahas
na sabihing wala silang pake sa dahas
na dinadanas ng mga naghihirap

‘yan ang buhay ng pesante

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...