kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kensa – fire exit (bloodletting outro) كلمات اغاني

Loading...

kensa, uprising
paabot nga ‘ko ng yosi at lighter
game? yo!

simula’t sapul, mahusay na sa pagkabata
mahilig nang sumulat ng mga kwento’t talata
lapis at papel ang nagsilbing sandata
hanggang sa napunta na ‘ko dito ngunit ‘di ito tadhana
maaga pa’y k_montra na sa pagpanata
wala akong sinasambang nangmamanipula ng kapalaran
at dumedepende sa balasa
paswerteha’t pamalasan lang ang labanan sa baraha
inaral mag_isa ang laro, walang kasama
kinalaban ang sarili sa salpakan at sa dama
kasi sa aking bayan, kanya_kanya pang galawan
kaya lahat ng tropa ko, malayo ang tahanan
kaya paktay ka diha!
ang tanging mahalaga, yung pagkatao at yung panloob na diwa
walang sikolohiya:
daig ang batugang may pinag_aralan sa matiyagang soloista
wag kang magkamali, wala akong pinapanigan
sa storya, di ako ang bida o ang kontrabida
ituring mo akong tagalabas na koluminstang
tagapagsalaysay ng naratibo at balita
pero tagatugis din ng kamalian
ng mga perpektong halimbaw_ng h’wag pamamarisan
dapat pabagsakin ang sablay na kaharian
kung mali ang plataporma pagkasalang sa tarima
tinitibag na pag naluma ang sandigan
pilit tinutuwid kung baluktot ang katwiran
ang kabaitan ay huwad na katangian
kung may kaakibat na pagkukunsinte sa kamalian
ako’y namulat sa mga talentong pambihira
nujabes, j dilla, kay bender, at eyedea
na may bahid ng pusong metal mala_jamir garcia
limang pumanaw na pang_habangbuhay ang adhika
pag_aagawan pa tropeo sa patimpalak
pare_parehas lang naman tayo nakatanikala
sa maling akalang tayo ang hukom sa mali o tama
magsuri muna bago magkalat ng paniniwala
pinalad sa tipa kaya kamit ang gantimpala
pinalad ang sawi na mahatid ang talinghaga
pinatalas ang pagkakabit_kabit sa alibata
kaya klaro pagkasulat sa lente ng antipara
kakasimula, wala pang isang dekada
bawat kwentong inuulat, may buhay at may hiwaga
parang pinaghalong kabute at marijuana
kaya napabilang sa matibay na barikada
pero kanya_kanya kami ng kaisipan
di magkapare_pareho ng abilidad
sakop bawat dimensyon, mas malalim sa balon
lampas_lampasan pa sa paglabas sa kahon
punong_puno ng elemento, purong_puro ang katha
puro putol na puno pag pinulong_pulong ang akda
ang pulut_pukyutan ay sa tulong_tulong nagawa
yan kapupulutang puno’t dulo ng lahat
ng_yo’y naunawaan na ang puntong nilahad
ang itinanim, siyang tutubong puno at sanga
kung mapuluputan ay putulin na agad
bago pa mapunta sa pag nasa puntod na lahat
kaya’t naalala ko pa
nung nagsilapit ang mga kunwaring dating kaibigan
malaman_laman kung saan ako kabilang na kapatiran
aba, biglang nagsi_baitan, lambing_lambingan
wala silang pakialam sa pagkatao mo
bulag sila sa tulo ng ‘yong pawis at dugo
d’yan matatanaw ang ahas kung ang pangil ay bulok
pag di bigyan_pinsan ay matayog na kuno?
unang_una sa lahat, di ako lumilipad
nakatungtong lang ako sa makamundong realidad
kasalanan ko pa ba kung sulat ko’y lumiliyab?
kaya nahahambing sa mga talang k_mikislap
kahit di ko intensyon ang makipagsabayan
nagkataon lang na kilala ang mga kasabayan
ang makilala ang pinakawalang kahalagahan
kung pwede lang mag_rap na walang mukha’t pangalan
ang tanging pamamalakad ay ang hangaring magpalaya
ng kaisipang nakakulong sa pagpaparaya
ng mamamatay_tao, magnanakaw, mandaraya
at maging mga demonyong na_nananampalataya
lahat ay may hangganan, wag kang magsayang ng oras
pеro wag madaliin, ‘di ka naman gahol sa oras
tumakbo ka papalayo sa pagtakbo ng oras
hanggang sa makawala na sa paghahabol ng oras
‘di ba? dire_diretso pa rin ‘to, wala ‘tong preno
‘tong bagang na mеrong bagang nagbabaga sa impyerno
magaling bagang? talo ka pa rin sa taga_quezon
pagdura nare, walang maliligtas na sentimiyento
o, ikaw ba’y nagulantang sa ‘king dialekto?
‘to’y patunay, di lang sa maynila may talento
inglisero talaga, napakita ko na yan sa album
i just went with this today ’cause y’all been giving me a tantrum
i can desecrate any emcee in my direction
y’all can switch to any language, can you step to my inventions?
writing with finesse, concepts you’d never imagine
’cause your mind is steady, dilly_dallyin’ in one dimension
ez lang ‘di ba? walang ka_effort effort
di katulad ng iba na feel na feel pa kung mag_n word
ops! di naman sa pagiging politikal
ang mahirap, yung maging natural at orihinal
kung ang presidente ay kayang patalsikin
ba’t di yung mga nagdyo_dyos_dyosang hari ng lagim?
matatandang di naniniwala sa ebolusyon
pwes kami ang tagapagtaguyod ng rebolusyon!
bata pa lang ako, wala nang tinuturing na sagrado
sa sarili kong eskwela, trinatong ekskomulgado
walang pangkat_pangkat, pantay_pantay tayo na tao
binibitay nang buhay ang mga uhaw sa trono
umaalingasaw na ang inseguridad
kaya umaastang pulis, sundalo, parak, awtoridad
kaya nga ang bansag sa atin ay alagad ng sining
dun ka lang sa mismong sining magpapaalipin
hinulma ang kultura kontra sa kapulisan
kung katulad ka nila, nakalubog sa putikan
ang iyong kaluluwa at dignidad at prinsipyo
ta’s gagamit ng elitismo eh takot sa kritisismo?
nakakabingi na walang hinaing patungo sa korona
ta’s ang dami pang nagdadalaw_ng_isip sa bakuna
wala nang lunas kung ang sakuna ay saradong utak
sila yung pikit_matang mauunang ‘di na mumulat
wala akong pasensya sa hindi pabor sa siyensya
na sadyang tumatalikod sa pruweba’t ebidensya
paw_ng isip_delingkwenteng walang etiketa
mga salot sa lipunan na banta sa eksistensya
nag_uumpisa na ang tunay na laban
lantaran na sa panggagago, mga sung_y nagtanan
may mga nagsilitaw na sa ganansya ay gahaman
kikitil ng tao hangga’t di siya malubog sa yaman
makinig sa mga hinaing at panawagan
tayo ang susulat ng sentensyang papatawan
sa mga kawatang walang_sawa sa kasalanan
na walang kaawatang walang awa sa walang laban
ang ating lupa ay kulungang malawak
tunay nga ba na malaya kung tuluyang manghamak, mangapak
at mangwarak ng mga pangarap nang walang kagalang_galang
ang mga nanunumpa maging sanggalang?
karamihan ng nasa tungkulin ay hindi tapat
kaya h’wag na h’wag mo ‘kong susumbatang hindi lahat
lumalaban nang di patas, maliit ba ang bayag?
iiyak pa sa puna at malayang paghahayag
mga astang panginoon, hukom, at abugado
agad_agarang kamatayang sentensya sa akusado
patong_patong na kaso ang mga abusado
kating_kati mangalabit, ba’t ba kayo apurado?
ta’s gusto mo ng parusang kamatayan?
habang nasa gantong kalag_yan?
dagdag kapangyarihang gumawa ng kahalayan?
ano ang paroroonan ng hindi lumilingon sa kasaysayan?
isang saludo para sa mga galit
isang saludo para sa patuloy k_makapit
isang saludo para sa mga yumao
at isang daang ngarat sa mga opisyal na barumbado
kung patuloy kang nakikinig, isang salamat
tagos sa lalamunan, kailangan na ng salabat
aanhin ko pa ang bente_kwatrong bara?
bente_kwatrong oras na ‘kong nagra_rap sa daan_daan na bara!
tang ina

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...