kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kensa – alon كلمات اغاني

Loading...

[hook]
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?

[verse 1]
pinatibay ng bagyo ang pagtapak mo sa lupa
susugod sa delubyo, lubog na nga sa utang
pilit umaahon sa bahang ‘di humuhupa
sa kalam ng sikmura, wala nang oras sa pagluha
pagtuyo nama’y sira na ang pintura
kinakalaw_ng ang mga kandado sa pintuan
umiiyak ang kisame na yerong puro butas
nasira ang mga pagkaing nakaimbak para bukas
kinabukasan ay parang diamenteng hinahagilap mo sa putik
sa gitna ng mga patay na hayop sa bukid
gamit mapurol na pang_ukit
habang may banta ng pagkidlat mula sa panahong masungit
halos mamulubi
pilit kinokontra ang tuluyan na pag_agos mo sa tubig
hintayin pa bang malunod?
papano ka lalaban kung naiwan kang bilad sa anino ng daluyong?
[hook]
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?

[verse 2]
nanginginig, nanlalamig
patuloy na bumibigat ang mga natitirang basang damit
ngunit wala ka nang paki
tanging nasa isipan ay wala ka nang tirahan sa susunod mong pag_uwi
wala kang takas sa sakit:
bunga ng pagsugod ay trangkaso at lagnat ang babalik
mga sugat sa baha’y nababad nang walang takip
at ang mga mahal sa buhay na hindi na nasagip
sinalo ang buhos ng langit na punong_puno ng galit
katiting na lang ang natitira bago sa patalim ay k_mapit
marangal kang nagtanim, bakit gan’to ang inaani?
kung mas matimbang ang diskarte sa sipag ay ‘di na bale
napabayaan, napag_iwanan
ang mundo mo ay bartolina na walang liwanag
tuluyan kang masisiraan sa malamig na higaan
habang sila’y abala sa mga mabababaw na hidwaan
walang hiya yan!
[hook]
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
mga pagsubok na tila ‘di na matapos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?

[bridge]
walang katapusang hatinggabi, walang pagtila
natitirang pag_asa ay hindi na maaninag
desperado sa pagningas ng basang kandila
di mo na nasisilayan ang araw at kanyang sinag
tubig lampas balikat, pasan_pasan ang kadiliman
dahan_dahang naramdaman ang panghihina
sa banta ng kamatayan, nagpanggap patay_malisya
sa isang iglap, ang buhay ay naging panandalian

[outro]
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
tuloy_tuloy lang sa pagdaloy at pag_agos
ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
may pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
kensa, batas
alon
paalam

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...