kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

joey ayala at ang bagong lumad – manong pawikan كلمات اغاني

Loading...

[verse 1]
manong, manong pawikan
tahanan ay pasan_pasan
wala ba kayong mapaglagyan
sa lupang kinagisnan

[verse 2]
sa hampas ng alon
sa agos ng daang_taon
patuloy kayong gumagapang
yapos_yapos ng putikan
subalit sa laot
laya niyo’y natitikman
lumulutang, sumisisid
sa kailalim_laliman

[verse 3]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan

[verse 4]
manong, manong pawikan
tayo ba’y magkaangkan
ako ma’y may tahanan
subalit walang mapaglagyan
[verse 5]
ang lupang namalayan ko’y
punung_puno ng bakuran
na lalong pinatibay
ng titulo’t kasulatan
o manong pawikan
di ko maintindihan
ang lupang pinanggalingan ko
ng_yo’y ari_arian

[verse 6]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan

[outro]
ah ah ah

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...