kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ian quiruz – tindahan ng mga alaala كلمات اغاني

Loading...

[verse 1]
pabili po ng alaalang masaya
panghimagas ko sa buhay at siyang aking pahinga
pabili po ng relos kahit wala nang baterya
nang dumungaw lang muli ang nalimutang pahina
pwede bang pautang muna ng tahol ng aso naming
matagal_tagal ko nang hindi nakakapiling?
pabili po sa tindahan ng mga alaala

[verse 2]
pabili po ng sasakyang dati na′t pinaglumaan
baka sakaling maihatid sa paborito kong sinehan
pabili po ng pambili noong aking kabataan
baka sakaling makabili ng paborito kong laruan
pabili ng ginamit kong lapis sa unang sulat ko ng tula
pabili ng ginamit kong ballpen sa bagsak kong mga marka
pabili po sa tindahan ng mga alaala

[chorus]
lumilipas lang ang bawat sandali
ano’ng magagawa ko? tao lang (tao ka lang)
sa isang iglap, nagbago ang lahat
′wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

[verse 3]
pabili po ng alaalang kasalukuyan kung umasta
pabili po ng galunggong sa presyong kaya pa ng bulsa
pabili ng krayolang pinagpuputol ko no’ng elementarya
baka sakaling maisalba ang ginuhit kong bara_bara
pabili po ng sandaling naging simula ng mga pangarap
kasi nakakalimot na ‘ko kung paano ba magsikap
pabili po sa tindahan ng mga alaala
[chorus]
lumilipas lang ang bawat sandali
ano′ng magagawa ko? tao lang (tao ka lang)
sa isang iglap, nagbago ang lahat
′wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

[bridge]
‘di ko lang namamalayang umuusad pala
nakangiti′t pumapag_asa dahil may konti pa ‘kong barya

[outro]
lumilipas lang ang bawat sandali
kung ′di mo iipunin ay paano na?
hindi naman masamang magpahinga
‘wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...