kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ian quiruz – ang balikat at baywang كلمات اغاني

Loading...

[intro]
sa ilalim ng bituin (ilalim ng bituin)
sa liwanag ng buwan (liwanag ng buwan)
sa may ′di kalayuan ay ikaw ang siyang tanaw
kung mangusap ang mata (mangusap ang mata)
at itulak ng paa (itulak ng paa)
matutukoy ba kung dibdib ko
ay kakaba_kabang
magsabi ng nararamdaman?

[verse 1]
sa’ng lupalop nagmula
pangungulilang ′di naman sinadya?
sa pag_agaw ng dilim
lalong sumilay ang iyong talinghaga

[pre_chorus]
sana naman ay palaring makadaupang palad ka
at maisayaw sa lilim ng puno ng akasya
lahat ng aking nabuong pangungusap sa’yo napupunta
hindi na isusulat ang ‘di maipinta

[verse 2]
huwag, ang sabi ng iba
iba ang nakikita ko sa′yong mata
huwag, paluluhain ka
bakit pag_ibig ang hatid mo sa tuwina?
[pre_chorus]
minsan pa′y paikutin habang hawak ang kamay
maglalayag sa ilalim, o ngiti mo ang gabay
ituring mong panaginip, walang kontekstong kasabay
alam ko lang sumapit ang hinihintay

[chorus]
hawak_hawak mo ang balikat ko
habang ang kamay ko’y nasa bayw_ng mo
sa ilalim ng mga bituwin
ay kinang ng iyong mata sa akin sinta, sinta

[verse 3]
para bang suntok sa buwan
kung bukas ′kaw pa rin ay nandiyan
pagkatapos ng gabi
tuluyan mo nang makakalimutan

[pre_chorus]
kaya naman susulitin bago muling mapag_isa
uulit_ulitin hanggang sa makabisa
mga salita’y iipunin at nang mahanap ang tugma′t
hindi mo namalayang tayo ang paksa

[chorus]
hawak_hawak mo ang balikat ko
habang ang kamay ko’y nasa bayw_ng mo
sa ilalim ng mga bituin
ay kinang ng iyong mata sa akin sinta, sinta
[bridge]
kamay sa balikat ko
haplos sa bayw_ng mo
atin lamang ang gabing ito
kamay sa balikat ko
haplos sa bayw_ng mo
atin lamang, atin lamang
atin lamang, atin lamang

[chorus]
hawak_hawak mo ang balikat ko
(mahal, iyong damhin ang lamig)
habang ang kamay ko′y nasa bayw_ng mo
(ng hanging ‘di na magbabalik)
sa ilalim ng mga bituin
(mahal, iyong damhin ang lamig)
ay kinang ng iyong mata sa akin
(ng hanging ‘di na magbabalik)

hawak_hawak mo ang balikat ko
(mahal, iyong damhin ang lamig)
habang ang kamay ko′y nasa bayw_ng mo
(ng hanging ′di na magbabalik)
sa ilalim ng mga bituin
(mahal, iyong damhin ang lamig)
ay kinang ng iyong mata sa akin
(ng hanging ‘di na magbabalik)
[outro]
sinta, sinta

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...