kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gelo – ikaw sa salamin كلمات اغاني

Loading...

kay ganda ng gabi
pininturahang itim na langit
sana nga’y tinitingnan

nati’y iisa

magkaisa kaya ang mga pusong
sinadya ng tadhana
o kaya’y parte lang ng iyong storya
para lang matuto ka

tingnan mo ang salamin
kay ganda mo ngang tanawin
animo’y mga bituin
ayos lang na hindi sa’kin

ikaw ang mga tala
na hindi ko mahahawakan

pagbitaw ng mga
salitang puso ang nagkatha
sa pagitan ng mga tawa
ikaw ang nagdulot ng saya

magpapadaloy pa ba sa mga agos
na gawa sa luha ng mitsa
o kaya’y mananatili sa buhanging iniipit
ang paa papunta sa iyo

tingnan mo ang salamin
kay ganda mo ngang tanawin
animo’y mga bituin
ayos lang na hindi sa’kin

hagkan ka ang natatagong yaman
na hindi ko mananakaw

parang panaginip ang makilala ka
tanggap ko ang lungkot sa iyong mga mata
at kung ako si sol
at ikaw naman si luna
na minsan lang magtagpo
kay ganda ng ating pagtagpo

tingnan mo ang salamin
kay ganda mo ngang tanawin
animo’y mga bituin
ayos lang na hindi sa’kin

ikaw ay big-y ni bathala
o istorya ng mortal sa diwata
hindi ako magsasawa
repleksyon mo’y k-mikinang na tala

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...