kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

franz (vxon) – miss na kita كلمات اغاني

Loading...

[verse 1: franz]
limang buwan na ang lumipas nang bigla mong iniwan
nasa’kin pa ang liham na nagsabing ‘di ka lilisan
limang buwan na ang paghihintay, ‘di pa nasanay
‘di nagnais ng iba sa’yo ayaw mawalay

[pre_chorus: franz]
kahit na wala nang natitirang pagmamahal
baka nga pwede bang magawan ng paraan

[chorus: franz, zephanie]
nami_miss na kita
babalik ka pa ba?
sana noon pa lang ginawa na ang lahat
nami_miss na kita (miss na kita)
babalik ka pa ba?
kung maibabalik lang ang oras
pangakong mamahalin kita nang wagas

[post_chorus: franz, zephanie]
umaasang babalik ka pa (umaasa)
babalikan natin ang umpisa (babalik ka)
umaasang babalik ka pa (umaasa)
babalikan natin ang umpisa

[verse 2: zephanie]
parang napakabilis
magbago ng ihip ng iyong damdamin
gano’n lang ba kadali na ako’y iyong ‘pagpalit
kahit pangako mo ako lang pipiliin?
[pre_chorus: franz, zephanie, franz & zephanie]
kahit na wala nang natitirang pagmamahal (wala na ba talaga?)
baka nga pwede bang magawan ng paraan

[chorus: franz, zephanie, franz & zephanie]
nami_miss na kita (miss na kita)
babalik ka pa ba? (oh_woah)
sana noon pa lang (‘di sa’n ba nagkulang?)
ginawa na ang lahat (oh, ooh_woah)
nami_miss na kita (miss na kita)
babalik ka pa ba?
kung maibabalik lang ang oras
pangakong mamahalin kita nang wagas

[bridge: zephanie, franz, zephanie & franz]
dito pa rin ako kung sa’n mo ‘ko iniwan
tanaw kita at walang bakas ng kalungkutan (no, oh)
may bago ka na
binalewala pinagsamahan nating dalawa

[chorus: franz & zephanie, zephanie, franz]
nami_miss na kita (miss na kita)
babalik ka pa ba? (babalik pa)
ginawa naman ang lahat
parang ‘di pa rin sapat (nami_miss na kita)
nami_miss mo rin ba? (sa’n ba nagkulang?)
umaasa ka pa ba?
na balang araw ay ako’t ikaw pa rin
sa umpisa tayo’y babalik
[post_chorus: franz, zephanie]
umaasang babalik ka pa (babalik ka pa)
babalikan natin ang umpisa (ooh_ooh_ooh_ooh)
umaasang babalik ka pa (babalik, oh, babalik ka pa)
babalikan natin ang umpisa (umaasa pa rin ako)

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...