kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

francis l. – jeep كلمات اغاني

Loading...

[intro]
tara na
ayos na ba ang chorus pre?
goods naman?
ah sige sige
first verse

[first verse]
kagigising lang ng alas_kwatro ng umaga
diretso pasada, byahe sa kalsada
‘di na nag_almusal hininto sa plaza
merong bababa? sige dito ka pumara
buhay kukulangin kung walang pakikisama
sa pakikisalamuha may makikilala
kang mabuti’t masama ikaw na ang bahala
ingat ka minsan may mandurukot pag parada

araw_araw lumalaban sugal ang kapakanan
sa paikot_ikot kabisado na kalakaran
sa bawat kalakalan, may kotong na bataan
mahaba ang lakaran, ‘di pwede na tantanan

ngunit hindi ako iresponsableng mamamayan
hindi naalarma mo kayang_kaya ko ‘yang lampasan
dapat tangi mong gawin: galingan, loob lakasan
para ang pinasok madaling malabasan

[chorus]
tara na, sumama ka sa byahe ko wag ka munang papara
bababa, kita ng ligtas mas maingat pa sa ambulansya
makina, ko bago ‘di palyado umiiwas sa disgrasya
‘wag ka matakot ‘di ako kaskasero tulad nila

[2nd verse]
minsan ay tiba_tiba, minsan walang kita
masaya mag_abang sa terminal pag mahaba ang pila
‘di ko pinagsisiksikan pag hindi na kasya
pag may ambulansya bibigyan ko agad ng distansya
sa buong serbisyo, dami ng karanasan
minsan ay perwisyo, minsan nababasbasan
sa masamang kilabot, takot nahimasmasan
mabagal man daloy pero kanilang nalampasan

araw_araw nan_n_langin at namamanata
alam kong sa’kin ang gawa at sa kanya ang awa
pag ‘di ako k_milos at puro na lang bahala
sa kahuli_hulihan ako lang makakawawa

bawat tao ay iba_iba mga talento
pagkanta o pagsayaw kailangan nasa tiyempo
sumakay ka na sa’kin ikaw ay pasahero
ngunit sa byahe ng buhay mo ikaw magmamaneho

[chorus]
tara na, sumama ka sa byahe ko wag ka munang papara
bababa, kita ng ligtas mas maingat pa sa ambulansya
makina, ko bago ‘di palyado umiiwas sa disgrasya
‘wag ka matakot ‘di ako kaskasero tulad nila

[3rd verse]
tagalog, bisaya, ingles o ilokano
pag pursigido ka, kayang mag_book sa eroplano
ang kaso, palyado kung wala namang plano
pangarap maglalaho, pag walang pagbabago
kalmahan mo lang, ‘wag kang mawawalan
marami pang kakaibang pag_asang nandyaan
kala mo lang naman, malayo lakaran
pasikot_sikot lang tsaka masukal ang daan

kung ang pamantayan ng utak mo’y hindi mababaw
bubuti kalag_yan ng mithiin balang araw
hindi sasagi sa isipan mo ang pagnanakaw
dala_dala ang kabutihan hanggang sa pagpanaw

magiging bagong saing na ang kaning dating bahaw
biglaang sisigla ang byahe mong kulang sa hataw
magtitipon lahat para sa mga dinadalaw
paglalaban ang tama sa maling mga pagpataw

[outro: chorus]
tara na, sumama ka sa byahe ko wag ka munang papara
bababa, kita ng ligtas mas maingat pa sa ambulansya
makina, ko bago ‘di palyado umiiwas sa disgrasya
‘wag ka matakot ‘di ako kaskasero tulad nila

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...