kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ericson acosta – sampung taon كلمات اغاني

Loading...

sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita

lunting mga punlang katatanim pa lamang
anu’t bigla_biglang pinagsasagasaan

palay na kay hitik, aanihin na sana
siya ay napahibik pagkat ng_yo’y wala na nga

at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
mga kabukirang tila walang hangganan
haya’t di malinang, sadyang binabakuran

bahay na kay liit at tanging kayamanan
siya ay napapikit pagkat ng_yo’y abo na lang

at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon

sampung taon na nga ng_yon ang pangyayari
si luisita’y nasa tiyan pa lang noon
ang tatay niya sa welga ay naging haligi
ibinuwal ng mga balang bumaon
at nang si luisita ay tanungin ng_yon kung san ba matatagpuan
ang taong siyang salarin noon, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (mananagot)
sa malacanang (malalagot)

sampung taong gulang itong si luisita

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...