kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ericson acosta – palad كلمات اغاني

Loading...

sa palad mo hinawan ang kadawagan
sa palad mo pinatag ang kabundukan
hmmm
at buong kalupaan ay pinagyaman

ang palad mo, pagdating ng anihan
ang palad mo, mistula nang talampakan
hmmm
gagapang na pauwi sa
dampang tirahan, bigong tahanan
dahil walang natira sa pinagpaguran
naiwa‘y palad pamahid sa mukhang luhaan

palad na namamaalam
palad na namamaalam
ohh

pagmasdan ang mga sawimpalad mo
ng_yo‘y tumitiklop upang maging kamao
higpit ng kuyom kahugis na ng mundo
at sa muling pagbukas, bangis nang bibigwas
ang bagwis ng pangarap mo

sa palad mo, tinunaw ang mga bakal
sa palad mo, hinugis ang mga kalakal
hmm
at ilang ulit na lumikha ka ng yaman

ang palad mo, pagdating ng sahuran
ang palad mo, mistula nang talampakan
hmm
gagapang na pauwi sa
bigong tahanan, dampang tirahan

dahil kusing ang sukli sa pinagpawisan
naiwa‘y palad pang_alo sa kalam ng tiyan
palad na namamaalam
palad na namamaalam
palad na namamaalam
palad na namamaalam
ohh

pagmasdan ang mga sawimpalad mo
ng_yo‘y tumitiklop upang maging kamao
higpit ng kuyom kahugis na ng mundo
at sa muling pagbukas, bangis nang bibigwas
ang bagwis ng pangarap mo

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...