dicta license – kasama كلمات اغاني
dati (dati, dati)
dati (dati, dati)
naaalala mo ba dati nu’ng natapos na ang klase
nagmamadali na tayong magkita, baka sakaling
maabutan pa nating ang agos ng tao sa kalye
‘di mapakali, kailangan nating makisali
naglakad tayo mula españa tungo sa mendiola
kasabay ng mga militanteng ‘di naman natin kilala
ngunit ramdam natin ang galit na nakaukit
bitbit nilang karatula, tila dugo ang ginamit
na panulat, nagulat, doon tayo namulat
nagising ang pagmamalay na hindi mo masusukat
nahanap natin sa sarili ang pagmalasakit
kung sa’n nagmumula ang mga hilig nating awit
pero parang nag_iba na yata ang iyong eksena
naayos na ba natin mga dating problema?
naririnig mo ba’ng mga sigaw ng dating nakasama
matandaan mo sana, ikaw rin ay nakiisa
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
ano’ng nangyari, kaibigan, dati_rating makabayan
natameme ka na yata sa tahimik na upuan
habang kalag_yan ng lipunan ay kinakalaw_ng
nakakapanghinayang, kailangan pa naman ng mga boses na matapang
hindi sana masayang pagtindig mo para sa mga walang kalaban_laban
‘di na ba makatuwiran ang tinig ng mga tibak?
tingin mo ba sa kanila’y putak lang nang putak?
o ‘di kaya sila’y nabibili na parang salarin?
binenta ang konsensya para sa isang kusing
naniniwala ka na rin ba na kailangang pumatay
para sa tagumpay? d’yan ba tayo nahiwalay?
kaibigan ko, pasensya na sa ‘king mga tirada
kailangan kang kalampagin, ituring mong harana
nakakapagtaka lang, parang ‘di kita kilala
paramdam ka na sana
mula sa ‘yong nakasama
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
‘di ba kasama kita?
‘di ba kasama kita?
dati (dati, dati)
dati (dati, dati)
(dati, dati, dati, dati)
dati (dati, dati)
(dati, dati, dati, dati)
dati (dati, dati)
(kasama, kasama, kasama, kasama)
(kasama, kasama, kasama, kasama)
(kasama, kasama, kasama, kasama)
(kasama, kasama, kasama, kasama)
كلمات أغنية عشوائية
- david bustamante › david bustamante – mi consentida كلمات اغاني
- brian mcfadden › brian mcfadden – chemical rush كلمات اغاني
- backstreet boys › backstreet boys – with every beat of my heart كلمات اغاني
- chuck wicks › chuck wicks – if we loved كلمات اغاني
- krystle nicole russin › krystle nicole russin – he begged me all night long (vacation in monaco part 2) كلمات اغاني
- carrie underwood › carrie underwood – because you love me كلمات اغاني
- bei maejor › bei maejor – she ain’t you كلمات اغاني
- alexander oneal › alexander oneal – a million love songs كلمات اغاني
- wale › wale – the number won كلمات اغاني
- diana ross › diana ross – one shining moment كلمات اغاني