kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

bullet dumas – pssst! كلمات اغاني

Loading...

pssst!
tsong, de_kalibre ang nabubuong pangungusap
sa tuwing nababanggit ang palamuti mong pangalan

triya_ta_ta_ta_ta_ta_tan, talatang ‘to’y parang binuo ng
malilikot na salitang nagbibiruang magkaibigan
nagpipikunan, nagkukulitang igan

ika nga, ‘lika nga, dito ka sa ‘king tabi
tulad na tulad, palagi’t palagi
ale, matinding ale
nakikiusap, nabubulol sa nais maipamahagi

‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, matinding ale
dito at dito mananatili

pssst!
tsong, de_kalidad ang tindig ng bawat pantig na
maligalig at umiibig, umaaligid, patinig, katinig
halina’t makinig sa sulating sa tingin ko ay sigurado nga
at t’yak na t’yak na ‘yong mahihiligan, hmm

halika nga dine, ‘wag nang mag_atubili
damdamin at isipan na’y nayuyupi
ale, matinding ale
pag_asa ko’y hinati’t hinating kalahati

‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, lagot ka, ale
daw, ikaw, ikaw ang tanging napili, hmm

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...