blkd x umph – gatilyo كلمات اغاني
luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan
nakakahon sa makasariling kab-n-lan
bulag sa paghahari-harian
tamad manindigan, tamad mangatwiran
tayo ang henerasyong nilululong sa luho
isip ay pilit kinukulong sa turo
ng kulturang kanya-kanya
upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya
tayo ay inaaliw upang maging abala
at nang hwag mag-alala sa pagsasamantala
hanggang malasakit ay masaid
tayo’y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid
lunod na lunod sa mga tsismis at balitang
luhod na luhod sa iilang pinapanigan
lugod na lugod silang nagbabait-baitan
pagka’t maledukado, maledukado tayo
pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan
nasaan ang katarungan? panay sakahan, may kagutuman?
sa lawak ng lupa ba’t may mga walang matirhan?
kahit magtyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na ‘di maibsan
hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati
at pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami
pagka’t sa daing ay dahas ang cariño
pagmulat ay pagkasa, tayo ang gatilyo
كلمات أغنية عشوائية
- ria timkin › ria timkin – dance with me كلمات اغاني
- corduroy brown › corduroy brown – familiar faces كلمات اغاني
- lloyd johnz › lloyd johnz – sick of love songz كلمات اغاني
- kodak black › kodak black – let me finish كلمات اغاني
- spencer thorpe › spencer thorpe – where to look for cheap seo packages? كلمات اغاني
- webb pierce the anita kerr singers › webb pierce & the anita kerr singers – the old country church كلمات اغاني
- chubby and the gang › chubby and the gang – pressure كلمات اغاني
- aap frabel › a$ap frabel – cracker on my a$ pt 2 كلمات اغاني
- lil darkie › lil darkie – hotbox كلمات اغاني
- pleiadd › pleiadd – мечты сбываются (dreams come true) كلمات اغاني