kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

blkd x calix – makinarya كلمات اغاني

Loading...

[blkd]

mga anak, salamat sa lahat
lalo na sa pag-papatakbo ng alamat (pakagat)
kontra droga ang pamagat
kamaong naka-ngarat ang pabalat

para sa kaayusan, para sa kaunlaran
para sa kapayapaan, ano ba naman ang kamatayan?
(ng mga salot na lango)

kayo nang bahala kung paano ang galaw
matayog ang pangako, mababa ang tanaw
tira lang ng tira ‘gang walang matira
bubusalan ang mga mag bibida

bala ang batas, bala ang pitaka
bala ang balitang di makilala
ito’y digmaan, ito ang pasinaya
mga anak, kayo ang makinarya!

[calix]

at sa pag supil ng mga salot ng lipunan
wag nang alalahanin ang kanilang karapatan
ang aking salita ang siyang magiging armas
ang aking salita ang siyang magiging batas

aking mga anak, ipalaganap nyo ang utos ko
wag kayo matakot na malunod sa dugo
ang aking salita ang siyang magiging armas
sa aking salita, walang makakaligtas

[blkd]

mga bilin ni tatay, himayin
isalin at ibatay sa mga sasaklawin
ng bawat kagawaran, komisyon, at ahensya
nang magka-alaman ng hatian ng ebidensya

este pwersa
gawing reso, gawing memo, gawing utos
clearing operations na hanggang maubos
anong punto, bulto-bulto lang ng puntos
may kita, este quota, at may p-n-stos

[calix]

isasabuhay, mga salitang pumapaslang
nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
sa pag putok ng bariles tutugisin ang mamayan
di nila kailangan na malaman ang dahilan
basta ba’t barilin nyo nalang

adik, adik, basta nasa listahan automatic ay adik
isinulat ng mga nagmamasid
ignorante man o ganid
importante ang pulis may target

mabisang mata
kapitbahay na binitawan na ang kanyang moralidad
ginagamit na sila para ilag-lag
ang kapwa sila-sila na nagtuturaan

nag papalakas kay itay, kaya damihan nyong pumatay
coordinate, bago ma-terminate, gawing barangg-y ng bangkay
droga ang kalaban, pero tiyakin ang baril sa tao nakatutok
dobol barrel, sa bawat patak ng dugo, kapalit ay piso

isasabuhay, mga salitang pumapaslang
nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
sa pag putok ng bariles tutugisin ang mamayan
di nila kailangan na malaman ang dahilan
basta ba’t barilin nyo nalang

isasabuhay, mga salitang pumapaslang
nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
sa pag putok ng bariles tutugisin ang mamayan
di nila kailangan na malaman ang dahilan
basta ba’t barilin nyo nalang

[calix]

memorandum circular
hudiyat ng aming pag galaw
hahalug-hugin ang bawat sulok
kahit na mag-tago’y lilitaw

kalyeng madilim, malagim, di pansin
ng mga nasa listahan na sila’y papaslangin
parte ng mga kotang tatapusin

palengke man o burol
bilyaran, s-m-nteryo
gamit ang matang nagmamasid
markado na agad ang mga ulo

si kap ay nasabihan na
wala nang pwedeng umalma
target napalibutan na
mga baril naka kasa

sir may posibleng saksi
mga anak at kanyang misis
ano nga ba protocol natin
wala naman sila sa drug watch list?

wag mo na intindihan yan
trabaho mo’y gawin mo nalang
di mo ikaka-asenso
saka wala silang bilang

pinasok na ang bahay at ginapos na lahat ng pwedeng witness
mukha ng target ay nasa sahig (siya ba yan?), baril ang paglilitis
pumapalag pa siya’t tinatanggi ang pagiging adik
taintim na nag-mamakaawa
“sir, di naman ako-“

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...