kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

yuridope - preach كلمات الأغنية

Loading...

preach lyrics
[intro]
panty droppaz league
this is a cursebox production

[verse 1]
wala pang kain, tulad ng marami
pero sumulat para may maibahagi sa iba
baka sakali makapamulat, maparinig, mapawari
o makagulat, maka_atake ng ibang tengang kawali
na walang buhat na mundo sa likuran
at hinaharap ay tiyak na walang hirap
na lalakbayin habang humahanap ng dahilan
para kapalaran nila ay pasamain
samantalang alam nila ang nangyayari
sa kabilang mundo kung saan maraming nakalibing
‘yung kataw_ng kalahati, tulad ko dati

[verse 2]
isa din akong ‘di pinalad na lumaki ng marangya
kaya ako nandito ng_yon nagtyaga
inalam kung paano makisama, ano naman kung mapasama
kung magutom ako at mahilo
kinabukasan sa kalsada ako’y madapa
tapos mag_isa, ayun ay nakakabuti pa ba? (huh! huh!)
do’n ba ako masasalba? huh?
kung pakikinggan ko sila? huh?
wala silang alam sa gusto ko na gawin
tingin lang sa’kin ay batang gala na pariwara
na ba’t ‘di niyo pa ibalewala
(huh!) ang daming pakielamero
ba’t ‘di pa kaya sila ‘yung una na mawala
[verse 3]
sadyang mahiwaga ‘yung ‘di nakikita ng mga mata
gutom na kakaibang ‘di naririnig
sa mga sikmurang nagwawala, lalo kung wala kang pandama
‘di sa’yo mahalaga kung wala agad mapapala
madalian ang hangad na panandalian na saya
agaran din nawawala, ‘di na kailangan ingatan
kasi ‘di naman pinaghirapan, sulitin na lang habang nand’yan
‘pag wala na balik na sa libangan
ganyan na pag_iisip ‘yung aking iniiwasan
ayaw kong makasanayan, dahil ginto sa’kin maliit
o malaking gantimpala na ‘di ko pagpapalit
pagpapalang nagbitbit sa’kin papanik sa hagdan
makahigit sa alam ko na tamang dapat tahakin nila na daanan
lalo sa mga tulad ko na bata na hindi pa nalalaman
tunay nilang layunin sa madayang
mundo’t nabiktima ng maaga dahil…

[outro]
talo tyak ‘pag nagpaapekto ka
kasi na sa’yo ang epeto niyan
dire_diretso lang, dire_diretso lang
diretso lang

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...