tatz maven - sige simula lyrics
sige simula ‘tong bating panimula
walang ginamit na tinta boses ko ang paglagda
patunay may di naisulat na itinakda
kaya sa oras marinig mo to di na ‘ko isang banta
ito’y pagsilang ng mga tulang
buburahin ang bulaang propetang dumudura ng itim
gusto lang maangkain ang panandaliang kayamanan
pero di kayang gawin ang maging
supremo sa duelo, wala ng papremyo
di naakit sa pabuya ‘pagkat utak nakasentro
sa walang kapantay, di pinaubaya sa itaas
kundi siya lang nagsilbing gabay para maging si itaas
ang ako, hari ng mundo
yan ang titulo ng unang berso aking binuo
at yun ang nagsilbing senyales na kayo’y makikinig
na bawat salita mahalaga parang huling sandali
parang huling sandali
pero di kailangan na ako’y magmadali
dahil walang panahon para sa pagkakamali
bawat tsansa ay pag_asang matamasang magwagi
kaya ng_yon, paa’y di nakabaon
sa hukay, nasa tunay na ‘kong destinasyon
di na malimita ng kahit anong limitasyon
ito’y sugod pasulong na para bang rebolusyon
dominasyon
heneral ng aking henerasyon
di na matibag aking dedikasyon
kung tingin mo mayabang problema mo na yun
at sa isang paraan
lahat ng harang sa daan kaya ng laktwawan
dahil bawat obrang nilikha ay daragdagan
ng buhay, matuturi mo ‘tong aking kaarawan
sige simula
sige simula, sige simula, sige simula
sige simula, sige simula, sige simula
sige simula, sige simula, sige simula
sige simula, sige simula, sige simula
كلمات أغنية عشوائية
- bojack horseman - don't stop dancing (reprise) lyrics
- eddie meduza - ingen plockar en maskros (korrekt text) lyrics
- eclipse nkasi - prepare for war lyrics
- brandon dailey - the tune lyrics
- natalino - en aquella tarde lyrics
- sähkil valysse - anne de chantraine lyrics
- eyci & cody - amor en silencio lyrics
- schwizzle - juiciest christmas lyrics
- happy asmara - "aku tenang" lyrics
- flat earth [vancouver] - lizard people people lyrics