susana pichay - hindi ako iiyak lyrics
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng_yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba iniingat_ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga_patak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang_pangalan itong aking anak
[verse 3]
pintong dati_rati bukas sa iyong pagdating
ng_yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng_yo’y natutulog ito kahit nag_iisa
[chorus]
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindii magdaramdam kahit na ga_patak
pag_ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga_patak
pag_ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
كلمات أغنية عشوائية
- mui (pop) - carelessly lyrics
- hello kelly - sweet nostalgia lyrics
- obma - burger king lyrics
- ryan hylton - losing you lyrics
- lil choppa - thousand miles lyrics
- aterciopelados - para que no digas que no pienso en ti lyrics
- the s.i.l. - thnx 4 sending karma 2 me lyrics
- jüra (prt) - porquê? lyrics
- ellen greene - pirate jenny lyrics
- cristina del valle - maría de la o lyrics