she-she - sakahan lyrics
[chorus]
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
ang katahimikan mo
ay kamatayan para sa iba
ang pagsasawalang kibo
ay pagwawalang bahala sa kasamaan nila
[verse 1]
sa pilipinas ang paghahanap ng trabaho
parang mga koreano
nauuna ang apelyido
bago “anong nagawa mo?”
“anong natapos mo?” “wala masyado”
yung may_ari kasi ng lupa kami ay niloko
ako si she_she, mas nauna kong natutunan magbanat ng buto
bago ko nalaman pa’no isulat ang pangalan ko
[chorus]
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
ang katahimikan mo
ang kapalit buhay ng iba
ang pagsasawalang kibo
ay pagwawalang bahala sa kasamaan nila
[verse 2]
lumaki sa paaralan kung saan
ang flag ceremony ay suntukan
kabundukang pinamumunuan
ng mga taong sukdulan sa kasamaan
minsan inimbita pa kami
pagkami raw ay sumali
ito raw ang sagot sa kahirapan
tiyak na kasiyahan
kaya lang hindi niyo mabibilog ang
utak ko sa mga pyramyding scam na yan
hindi niyo ko makakahon
sa mga gahamang ambisyon
[chorus]
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
hiram na palayan
ang kabayaran ay kamatayan
ang katahimikan mo
ay kamatayan para sa kag_ya ko
ang pagsasawalang kibo
ay pagwawalang bahala sa panggagantso
كلمات أغنية عشوائية
- thegodski - winter games 2022 lyrics
- pori - meta, vol.2 (westview) lyrics
- livvi franc - camouflage lyrics
- drainedgod - aderoll lyrics
- hello yes - out of my mind lyrics
- 北沢強兵 (kitazawa kyouhei) - doctrine lyrics
- memento. orl - resentment lyrics
- 4everoasis - seasons greetings pt.1 lyrics
- alt. mommy - cv$ lyrics
- endgnear ad - run the dead lyrics