
pricetagg - triangulo lyrics
[verse 1]
anong nangyayari? anong intensyon?
bakit may problema na wala ng solusyon?
‘di marunong magtiwala may sariling proteksyon
na buhay para mamatay pwes anong aking misyon
mga pangakong nasa pwesto ‘di na maintay
sa hirap magkapera tatarget maghihimay
palaboy na bata ‘di nakaranas ng gabay
bumawi ng buhay ‘wag lang matawag na hinay
imbes na tulungan kukuhanan ng larawan
basura na tinapon ‘pag ‘di ka na kailangan
sarado ang bibig ‘pag madaming nalalaman
nagkalat ang bangkay pero walang mga pangalan, ugh
[pre_chorus]
sino ba’ng nagsasabi ng totoo?
sila ba’y totoong may pake sa’yo?
sa baba, mga tao nagkagulo
ang yumayaman ay tutok ang triangulo
[chorus]
sa mundo lahat ay nagbabago
walang permanente, lahat ay nagbabago
sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
sistema’t sitwasyon hindi na magbabago
[verse 2]
daming may sobra pero daming may kailangan
‘asan ang pag_asa kung wala kang aasahan
may nakapatay kasi kailangan niyang lumaban
may nakukulong kahit hindi niya kasalanan
nakatakip ang tenga, pa’no pa pakikinggan
nagbubulag_bulagan at may kita lang sa kitaan
puno mga bulsa pero utak ay walang laman
wala ding matuwid kahit sino pa’ng dumaan
para sa’n pa bang pinaglalaban?
binenta ang bansa nang ‘di mo nalalaman
kapwa mo pinoy, ‘yan ang katotohanan
ng_yon sabihin mong ikaw ay makabayan
[pre_chorus]
sino ba’ng nagsasabi ng totoo?
sila ba’y totoong may pake sa’yo?
sa baba, mga tao nagkagulo
ang yumayaman ay tutok ang triangulo
[chorus]
sa mundo lahat ay nagbabago
walang permanente, lahat ay nagbabago
sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
sistema’t sitwasyon hindi na magbabago
[outro]
sa mundo lahat ay nagbabago
walang permanente, lahat ay nagbabago
sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
كلمات أغنية عشوائية
- bilmuri - thiccthiccly lyrics
- bonnie st. claire - dokter bernhard lyrics
- the world/inferno friendship society - my ancestral homeland, new jersey lyrics
- tinashe - story of us lyrics
- blackalicious - sky is falling (radio) lyrics
- khalid - up all night lyrics
- los enanitos verdes - gente incoherente lyrics
- the royal weirdo - lies, lies, lies lyrics
- luis eduardo aute - no es en vano lyrics
- ice nine kills - jonathan lyrics