
panday sining kontrapunto - salapi كلمات أغنية
[intro]
(umuwi na ba? pauwi na ba?)
[verse]
tulog pa sila, paalis na ‘ko, naunahan pa ‘yung araw
almusal ko ‘yung bahaw, agawan ng jeep pa_trabaho
at trapik pa sa may kalaw, halos hindi na ko umuwi
puro na lang ako dalaw sa tahanang maliit
kada buwan, limang libo, inuuwi ko
sakit balikat, likod, at ulo
malaki na raw, ba’t ba ako nagrereklamo?
talagang tiis trabaho, talagang linis ang baho ng boss na amerikano
[pre_chorus]
kontraktwal, arkiladong katawan (arkilado)
binibig_y lahat mula balat hanggang laman
hanap naman ng bago pagtapos ng ilang buwan
ginagawa lahat magkalaman lang ang tiyan
[chorus]
magkano nga ba ang salapi?
magtrabaho nga ba o magpa_api
hanggang labi? hanggang kami’y mabuhay nang maayos
hanggang sa makaraos, mula umaga hanggang gabi
[verse]
natutong makipag sapalaran, kahit parang
ito na ‘yung kapalaran na kaya kong abutin
kahirapan ay sakit na ‘di ko kayang gamutin, kahit ano pang gawin
kahig lang hanggang hindi lang kanin ang tutukain
kasalanan ko raw, kasi hindi nakatapos
at kayod_kalabaw, nakakapamintig sa pagod
nalulunod pero sumusuong pa rin sa agos
parang kailangang sumigaw para lang ‘di mapaos
[hook]
mata’y k_mukurap, pahinga ay hindi sapat
kahit pa magpanggap, ramdam ko ang ‘yong hirap
[verse]
biglang nagkasakit, lumiban pasaglit
‘di magkamayaw ilang araw di gumagaling
naipon ang gawain, amo’y galit na sakin
sisante’ng abot kung hindi kayanin pang habulin
[bridge]
sa ala_ala ka na lang nakakasama
sa presensya mo‘y nangungulila
para saan pa ba ang pera
kung buhay pala natin ang nakataya?
[verse]
ako’y inubos, inabuso
tila bumaliktad at bumagal ang mundo
naduduwal, umaakyat ang dugo
sinugal ko na lahat, talagang desperado
umaapaw, nangibabaw ang kailangan
ng mga nakatira sa’ming tahanan
tuloy na nanghihina sa pinagdaanan
ako’y minalas, ako pa may kasalanan
kasalanan? pagkalaban sa mga
nagmamay_ari at hari_harian
pinatulan, kahit delikado na gawain
itutuloy pa rin para lang merong maihain
magkano nga ba ang salapi?
magtrabaho nga ba o magpaapi?
dapat itama ang mga mali
buhay ko ba’y katumbas ng salapi?
[outro]
hinahanap_hanap kung saan
maaaring naroon ang anino mo dahil
hindi na masilayan ang dating tahanan
at walang kasagutan kung ikaw ba ay uuwi pa
كلمات أغنية عشوائية
- bots - montagmorgen كلمات أغنية
- drhuman - el morro del 50ton كلمات أغنية
- sonic death - naslazhdenie كلمات أغنية
- ero jwp - trochę jak jay z كلمات أغنية
- soso maness - mistral كلمات أغنية
- pedro aznar & ramiro gallo - no lo nombres كلمات أغنية
- lazaro lurasqui - quisiera كلمات أغنية
- daniel melingo - viajando كلمات أغنية
- ysa sukreme - demon in disguise كلمات أغنية
- sabrina carpenter - this time كلمات أغنية