
palaisipan - loonie كلمات أغنية
[intro: loonie]
sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula?
baby pakiusap
[chorus: arthur nery]
kung magpapakilala sana
pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
naligaw lang sa dinami_dami ng mga
pasikot_sikot sa’yong katawan
sana lang ay mapadaan
[verse 1: loonie]
nabulag sa’yong mga kurbada, nabudol sa mga usapang walang kontrata
harutan hanggang sa abutan ng umaga, walang sagot sa katanungang “tayo nga ba?”
aruy, kung ayaw masaktan, ‘wag nang umasa, nagbabakasali na lang na tsumamba
mga dasal sa maykapal, sana gumana, kaso madalas sila ni satanas ang magkakuntsaba
matagal ko na ‘tong pinap_n_langin na ika’y tuluyang mapaibig sa’kin
ngunit ako’y parang dagang dinagit lang ng lawin, pinaglaruan tapos pinakawalan rin
tinig ay tahimik, isip ay malalim, hirap nang basahin, tila ba baybayin
sarili kong lenggwahe ng pag_ibig ay pag_amin, ikaw ginawa mong sining ang pagiging sinungaling
[chorus: arthur nery]
kung magpapakilala sana
pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
naligaw lang sa dinami_dami ng mga
pasikot_sikot sa’yong katawan
sana lang ay mapadaan
[verse 2: loonie]
ano ba talaga tayo? para lang klaro
kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba ‘ko?
naglalaro ka lang ba o nananarantado?
kasi nakita ko kahapon may kasama kang bago
ayoko nang umasa sa mga usapang malabo
parang gamugamong nadarang at napaso
nadala at mas lalo lang nawala at naglaho ang mga balak at plano
nagmukha ba ‘kong gago? kaya walang mga pangako puro para_paraan
laging telebabad kahit walang tawagan
araw_araw normalan kasi para pa saan
ang mga sumpaan kung wala namang karapatan
ibig kong maliwanagan, ‘wag mo sanang diliman
kapaan parang magkasintahan sa sinehan, matinding palaisipan
sa dami ng pasikot_sikot nagkakasalisihan
[chorus: arthur nery]
kung magpapakilala sana
pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
naligaw lang sa dinami_dami ng mga
pasikot_sikot sa’yong katawan
sana lang ay mapadaan
[bridge: arthur nery]
oras at konting espasyo lang ang kailangan
nating dalawa sa ngayon
ngunit parang ‘di naman ‘to hadlang
palapit na tayo sa kalawakan
[verse 3: loonie]
may dalaw_ng magkasintahan sa taas ng bundok
nagkasundong tapusin ang buhay nilang malungkot
hindi na masaya sa kama, hanap na ay tuldok
usapan ay sabay silang tatalon sa tuktok
sabi niya, “magtiwala ka lang sa’kin, mahal ko
talon tayo nang sabay, pagbilang ko ng tatlo”
kaso lang ang problema pagkatapos niyang bumilang, siya lang ang tumalon
si babae nagpaiwan habang nakatingin sa kaniya nakangiti lang
ngunit biglang nagulat ang babae nang nakitang nakangiti din si lalaki habang pababa siya
sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda
ngayon sinong mas taksil sa dalawa?
sino ang mas tuso? sino ang mas tanga talaga?
‘yung lalaki ba na may dalang back_up plan?
o ‘yung babae na wala siyang balak back_up_an?
كلمات أغنية عشوائية
- 94 كلمات أغنية
- kingxsethy - fuck a title كلمات أغنية
- problem - i need a grammy كلمات أغنية
- shy girls - finding your god كلمات أغنية
- the rolling stones - love in vain (live 1995) كلمات أغنية
- скриптонит (scriptonite) - привет (hello) كلمات أغنية
- me-l techrap - vs. weekend - [hr 16tel-finale - vbt 2011] كلمات أغنية
- rico nasty - need it كلمات أغنية
- chrissie hynde - river man كلمات أغنية
- stupi - alergija na svetlo كلمات أغنية