
oriang - zara lyrics
verse 1
iba ang halik ng araw sa negros
mula bintana pa_hapag, umiinog
nananakal, nanggugutom, k_mukuha, k_mukuha
bagkus marunong lumikha, ng uhaw at ng balisa
pero ‘di araw ang may gawa ng bala
‘di lalagot ng buhay na hindi kanya
sa minsang ulan, kunsensya niya’y pabasa ng lupa
ang kalusugan ng kunsensya mo’y teritoryo ng iyong ina
refrain
ika_labing_pitong araw ng agosto
hinigop ng isang kasa ang hangin
sa tadyang ng eroreco
bumagsak ang dibdib
chorus
sigaw ng lupa
“zara
patak ng iyong dugo
tanggi naming pataba”
“zara
daloy ng iyong dugo
tanggi naming pabasa”
verse 2
may lihim na biyaya ang mga ina
na mapalawak pa ang kanilang yakap
higit sa anak, nakakulot ang mga daliri sa masa
biyayang tinatratong sumpa ng hacienda
alambre man ang galamay ng estado
‘di sintalas ng mata ng nag_aararo
mga anak ng araw ang insurhensya
init niya ang tumitimbang ng iyong motibo
refrain
huling araw ng lamay ng isang kasama
tumigil ang oras sa tubuhan
sa pisngi ni santa maria
bumagsak ang ulunan
chorus
sigaw ng lupa
“zara
patak ng iyong dugo
tanggi naming pataba”
“zara
daloy ng iyong dugo
tanggi naming pabasa”
Random Lyrics
- nocivo shomon - país de poucos lyrics
- jopippins - nightwing lyrics
- гуф (guf) - скит от санька (skit ot sanka) lyrics
- godo - o pior lyrics
- rève feat. daniel street - il nostro viaggio lyrics
- jck - the boobies lyrics
- müslüm gürses - çare değilmiş lyrics
- tom petty and the heartbreakers - playing dumb (bonus track) lyrics
- новая москва (new moscow) - xanny lyrics
- oh, manhattan - guilty blessings pt ii lyrics