
oriang - alvin lyrics
verse 1
alam mo ba ang ibig sabihin ng bansiwag
alam mo ba ang kahulugan ng pagiging natatangi
alam mo na ba kung sino ang iyong mga bayani
siyang sa pinto bumabangga, siyang sa noo may sugat
refrain 1
lahat ng sayaw buhat ng paa
lahat ng gawa hatid ng palad
lahat ng panaginip kita ng mata
lahat ng awit tulak ng baga
verse 2
alam mo ba ang ibig sabihin ng alayon
makikilala mo ba ang mukha ng pagtulong
alam mo na ba kung sino ang iyong mga bayani
dagon mo ang basag na salamin
kulayan mo ng pula at itim
ipadyak mo sa bungkalan
ialay mo sa karagatan
refrain 2
lahat ng sayaw buhat ng paa
lahat ng gawa hatid ng palad
lahat ng panaginip kita ng mata
lahat ng awit tulak ng baga
lahat ng pagkilos, sa tao ang toka
lahat ng panawagan, bayan ang taya
chorus
bintang ay pagpatay
humahabol sa ingay
ng higit walong_daang kabalintunaan
walang agaas sa alin mang
isla sa kabisayaang
lumalagot ng hininga higit pa sa ntf_elcac
silagbo ng bayan
ang mutyang chai ang ngalan
sayaw lang ang kanyang sundang
sayaw lang ang kanyang sundang
Random Lyrics
- the flob - ma cà rồng lyrics
- 竹内まりや (mariya takeuchi) - 時空の旅人 (toki no tabibito) (polskie tlumaczenie) lyrics
- adam harvey - her way with me lyrics
- bettina russell - i'm monica lewinsky tonight lyrics
- overwhelming colorfast - it's tomorrow lyrics
- roh yun ha & cherry boy 17 - warning lyrics
- neemo - giorno d'estate lyrics
- schmiddi - daydream lyrics
- louis villain - nie chcę widzieć już... lyrics
- rocco - waited too long lyrics