kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

nero - pastulan كلمات الأغنية

Loading...

intro:
para ‘to sa salinlahi na nagkakaubusan
kaninong braso ang kailangan para lang mabunuan

anong sumusunod sa kalawakan? marahil baka ‘yun ang kawalan
kayong tumutugong pasalamatan, sa dami ng mayro’ng karapatan
g_y’on kung totoong matatawaran, palagiang tanong kabayaran
baka lang nataong bumubulong na malasaha’y tinapay na may itinatagong palaman (malamang)

verse 1:
umupo ka ng diretso saking kwento makinig
ang pagmamahal niya eto, nirereto ang kilig
sa dami ng panulak ng bolero ay lingid
mabulunan sa imbentong puto seco sa bibig

dadanak ang luhang “kailangan ng pondo”
handa ba kayo magambag at abono?
pagkakatakutan hangganan na ‘to ay
hadlang yan sa utak na dapat ay todo

habang gumaganda ang buhay umaasa ka na tunay ang lahat ng retokado
sa pamagat ng langit ay wala ng titulado
kung naniniwala lamang para makasigurado

doo’y kautusan na likas ang pagkatuso
buong katuruang taliwas sa pagkatuto
lopon at koponan ng mga templong nagkakurso
nauto nang magustuhan ang disenyong nauuso
refrain 1:
nakakapanduga kapag nakakapanghula
birong nakatanim mula sa kanilang nakakataw_ng lupa
kasama magpakabaluga yung mga nagbabalat na tupa
kalamidad ay nasa kabataan kaya nga ang tawag nila ay sakuna_kuna

hook:
kabilaan sa may kaliwa at kanan
nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
langit may impyerno may demonyo may anghel
at tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril

saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran

instrumentals:
sapagkat napakarami ng
(rami ng) mapagsamantala at mapanlinlang
ang ilan sa kaaningan at kapraningan
nahibang sa kabaliwan handang malibang
malian tama palitan at ang kanilang
dahilan ay kasabihang nakagawian

verse 2:
gamit nalalaman na pamahiin na alam at
makikita sa aklat kaibigan na tapat
kanyang pakilala bagamat hindi paba sapat
ang akala’t hinala para pag isipan ang lahat
masama at bawal ang bag_y na napakasarap
sa bawat kagat ay damang dama sa may balat
wala pang ganap, sapagkat lahat nagpapanggap
nangahas sa panlabas saw_ng sawa na magbalat

malabo malilinawan patago ay lilitaw
mata sa mata hanggang ako ay maging ikaw
madala sa pananaw ay kusa ka na bibitaw
pagkat walang mawawala, mas lalo lang maliligaw

ang mga to sa anak at apo na
ang namana lamang ay dala_dala na trauma
pasa_pasa mga haka_haka at teorya
mga kataka_taka mga gawa_gawa na storya

refrain 2:
ang mga narinig sa may sabi sabi ay sadya para magdalawa utak ng mga tao
at para makinig pa sa kabi_kabila nang naglalabanang mga luma at tsaka bago
kaya sa paniniwala na iba iba ay nagaaway lamang ang bukas tsaka sarado
pagkat wala ring tiwala sa isat isa, kaya nagaalalay sa bulag ay mga aso

hook:
kabilaan sa may kaliwa at kanan
nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
langit may impyerno may demonyo may anghel
at tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril
saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran

post chorus:
bawat bala ay patungo sa
mga bata na matandang nakakulong pa
kawalan na pakawala san na pupunta
nawala mga nawala san napupunta

verse 3:
siyang katanungan ay siyang kasagutan
para pagbuksan ang nasaraduhan
hanggang sa kung saan kahahantungan
hangganang nagmula dyan ang katapusan

mala lagusan daang papasukan
lahat ay bulgar walang tataguan
ang sangkatauhan at sangkahayupan
at ‘yang mga tupa na nasa pastulan

kristo, allah, vishnu, brahma
anito, baal, andito pa nga ba?
tingin mo gaara sa pintong gawa sa
gitnong payapa’y ehipto sahara?

at sino ka ba sa pagpapakatao
paghinulma ka ng mga nagawa mo
nasa nitso lang ang ikatutuwa ng tao
pagkat n0byong kasiyahan ay katotohanang balo

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...