munimuni - sa'yo lyrics
ang buhok mo’y parang gabing numinipis
sa pagdating ng madaling araw
na k-mukulay sa alapaap
ang ngiti mo’y parang isang tala
na matagal na ang kinang ngunit ng-yon lang nakita
kung kailan wala na
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko’y sa’yong-sa’yo
ang buhay mo’y parang kandila na pumapawi
sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
at ng lagim
bawat segundo ay natutunaw
tumutulo parang luha
humuhugis na parang mga puting paru-paro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko’y sa’yong-sa’yo
sa’yong-sa’yo
ni isang beses ay hindi pa ‘ko
nakakakain ng paru-paro
ngunit tila bakit ang sikmura ko’y puno?
saka ko naalala na noon
nang una kong masabi ang pangalan mo
nakalunok ako kaya siguro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko’y sa’yong-sa’yo
sa’yong-sa’yo
كلمات أغنية عشوائية
- la ley - cielo market lyrics
- lakewood church - you are good lyrics
- chainsaw - seeker of truth lyrics
- celesty - among the dreams lyrics
- east 17 - ghetto lyrics
- la bouche - tonight is the night lyrics
- centro matic - a critical display of snakes lyrics
- ladytron - cease2xist lyrics
- chagall guevara - tale o' the twister lyrics
- cats on fire - end of straight street lyrics