kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

mula sa buwan - mula sa buwan - live lyrics

Loading...

[cyrano, spoken]
lisanin na natin ang lugar na ‘to!
paalam! paalam! mundong hindi namin tahanan!
halina kayo! maglakbay patungo, pabalik sa buwan!
doon tayo sa buwan, kung saan ang bukas ay atin!

[cyrano (sung)]
ako’y naglayag
kung saan walang sakit o hapdi
lahat ng tao ay nakangiti
sa buwan, sa buwan
ako’y mula sa buwan

[company]
ohh ohh ohh_ ohh ohh ohh_ ohh ohh ohh ohh ohh_

[cyrano (& company)]
magpagawa ng sasakyan (beep! beep!)
lagyan ng pulbura sa hulihan (sa hulihan)
mitsa ng_yon ay sindihan (huu!)
ika’y lilipad patungong buwan
isupot ang hamog ng dapit umaga’t
isabit sa iyong katawan
pagsikat ng araw sa silangan
ika’y lilipad patungong buwan (‘tungong buwan)
[cyrano & company]
kami’y naglayag
kung saan walang pusong nabibiyak
kailanman ay ‘di ka iiyak
sa buwan, sa buwan
kami’y mula sa buwan

[cyrano (& company)]
ang hanging mainit umaakyat
hayaang ika’y kabagin
itapat sa apoy at painitin
ika’y lolobo’t lilipad pa_buwan (lilipad pa_buwan)
bumili ng isang libong ibon at (ahh_ ahh_)
itali sa’yong katawan
sabay sabay pakawalan
at igabay papunta sa buwan (papunta sa buwan)

[cyrano & company]
kami’y naglayag
kung saan walang maganda o pangit
puso lamang ang mapang_akit
sa buwan, sa buwan
kami’y mula sa buwan

[cyrano (& company)]
ako’y naglayag kalaro ang ulap
kaibigan ang bituin (kaibigan ang bituin)
sa kariktan ng buwan
sa kanyang puti at itim (puti at itim)
balang_araw ako ay babalik
sa buwan, sa buwan (sa buwan)
[roxanne & christian (& cyrano)]
maiinggit ang bukang liwayway (ang ganda niya’y walang saysay)
ang ganda niya’y nawalan ng saysay
sa kulay mong tinataglay
at sa mundo’y ibinibig_y (ahh_ ahh_ ahh_ ahh_)

[cyrano]
ako’y mula sa buwan

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...