
mike damaso - saranggola كلمات أغنية
inutusan ng nanay bumili ng suka
para sa adobong may surpresang aroma
tindahan sa kanto may nagpatintero, oh
“ale pabili po ng isang boteng suka
ale pabili din ng pirasong bazooka”
karipas sa lakad maiabot lamang ang suka
upang payagan na magsaranggola
nilipad ang saranggola ng
hangin na nagpa_alala
sa bawat awit sa tawanan
at bawat tawa sa asaran
araw palubog, tuloy pa din ang laro
‘pagkat musmos pa lamang
sipa, piko, luksong tinik at tumbang preso
mapalangit lupa, 10_20 at larong syato
dala ang trumpo, nag_isip ng bago
“nanay pabili po ng brick game, text at water gun, ”
“tatay galing po pambayad kina ninong at ninang”
pabili ng army parachute ang kasama
at sa paglipad, kasabay saranggola
nilipad ang saranggola ng
hangin na nagpa_alala
sa bawat awit sa tawanan
at bawat tawa sa asaran
araw palubog, tuloy pa din ang laro
‘pagkat musmos pa lamang
tagu_taguan maliwanag
man ang ating buwan
dala_dala ang jolens
at tansan sa kapaskuhan
magandang ala_ala sa ating kamusmusan
ang paglibang ng kaibigan
sa imahinasyon ng isipan
nilipad ang saranggola ng
hangin na nagpa_alala
sa bawat awit sa tawanan
at bawat tawa sa asaran
araw palubog, tuloy pa din ang laro
‘pagkat musmos pa lamang
araw palubog, tuloy pa din ang laro
‘pagkat musmos pa lamang…
كلمات أغنية عشوائية
- tumbleweed - god كلمات أغنية
- madamprime - #newday كلمات أغنية
- loliwz - бутово (snippet 09.03.2024)* كلمات أغنية
- darla baltazar - come to me (he who has ears) كلمات أغنية
- emergency blanket - picture of a dream كلمات أغنية
- dunkin & ae - barz كلمات أغنية
- olivia browse - cliché كلمات أغنية
- mace - meteore Ⳣ كلمات أغنية
- yung kafa & küçük efendi - bando كلمات أغنية
- patrice rushen - all my love كلمات أغنية