mhotivated - tarya كلمات الأغنية
(first verse)
teka, magkano ba yan? ba’t parang talo naman? tinatantsa sa gaan o kinakapa kapag nagkakasukatan sanay yan sa kalakalan, dala lang ng kapakanan ng tama daw na nakakatakam, pag walang wala na ay para_paraan, pano? kapag salat na sa magkano, habang naaatat pa lalo hahanap ng aparato, anumang panapat sa gramo na dalihan kung ba’t ganado, pahirapan na ang magbago kahit buto’t balat na nga o maging patpat sa kakapalo tila giyang na nga, madiin ang panga palakad_lakad ang hindi mapigilang paa palaging abala, hindi mapakali kapag walang ginagawa na dilat ang mata at pinalalala ng tama na parang sya pa ang dinadala kahit ang pagkabaon ay ‘di na madama kung tila umaangat sa ilang baba kaya sabik makalanghap, san ba nanggaling yang sangkap? malamang ay limpak_limpak ang mga salaping natatanggap bagama’t mga malaking isda man, ‘di naman kayang malambat kung madali lang mabili ang makapangyarihang kasabwat.. what?
(chorus)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin, silang pumupuksa o baka sila_sila rin
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin, silang pumupuksa o baka sila_sila rin
(second verse)
naturingan ka nang mainit, bakit pa tinatangkilik o sa maling nakasanayan, tawag ng tama ang namimilit ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag iisip? kung ang marami nang nalalaman ang madalas na pinapatahimik ‘di mapigilang hayok, malabo nang makatanggi sa alok inaabot ng hating_gabi, daig pa nagtitinda ng balot nakakayamot na kahit maraming pinapanagot, bakit ganon? hanggang ng_yon madumi ang tingin maging sa napatunayang gamot at anumang tino mo, mahirap magpakasiguro sa panahong tinutuluyan maging kasalukuyan nang sumuko kahit na mali lang ang naturo o sa inosente napatutok ay ililibing nalang sa kasinulingan na asunto kung sa natitira na mabubuti pa, mananatili ang saludo ngunit hindi sa mga pinahintulutan lang na mas maging abuso kaya ingat sa halik ni hudas, baka ikaw na ang nginunguso walang mau_mautak pag dinaan ka sa palit_ulo.. pakituro
(chorus)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sa panahon ng_yon mag_ingat ka kasi, madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sa panahon ng_yon mag_ingat ka kasi, madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi
(third verse)
nakatikim ng sangkatutak, kaya pagkahumaling ay mas lumalim na at nakiki_usap, sa sandaling kalig_yahan na kaya raw abutin ang ulap katawan na nangangailangan hanggang sa may bibig_y na utak! pinipili ang piraso kung anong sa tingin nya ay p_n_lo, sa patingi_tinging silyado na pinipisil pag pinapaso, tutuluyan pag ang puhunan ay ‘di nasisingil ng amo, baka bangkay na yang lulutang kapag ang utang, naging atraso at kapalit lamang ng salto, yang buhay mo nakapusta, kung tatakbo’t magtatago pa ay san ka magpupunta? kapag ang nag_aangkat ay palpak na magpakubra yang mga nagbabagsak din naman ang magtutumba..
كلمات أغنية عشوائية
- n-buna - アイラ (aira) كلمات الأغنية
- rua direita - susana كلمات الأغنية
- dr. lunieri - frozen in time كلمات الأغنية
- udo jürgens - tausend jahre glück كلمات الأغنية
- 夜のストレンジャーズ - happy holiday كلمات الأغنية
- lewxs - on my mind كلمات الأغنية
- romad the nomad - get better كلمات الأغنية
- ellen loo (盧凱彤) - 那誰 (naa5 seoi4) (2012 live version) كلمات الأغنية
- yamac - aynen كلمات الأغنية
- a-dub white - geppetto كلمات الأغنية