kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

med cne - lulong كلمات الأغنية

Loading...

[verse 1: brent]
ako’y nagtataka kung sino ba ng nagsasabi ng tama
yung tao bang alisto o yung tamang hinala
yung tao pang pabibo o yung tambay na mamang
may kasamang kapwa tambay sa aming katabing lansangan
bilang bata likas ang gantong uri ng tanong pero bilang ang batang mausisa sa mundo ng-yon
para sakin lahat alisto yun ang aking hinala pero sa kritiko kahit ano hindi yan tama
tampalasan! lahat nag hahangad ng karangalan para lamang malamangan
ang kanyang kalaban, kayabangan
ikwento mo sa bagong kong sumbrero
pansin ko rin pilit na ihambing ang sumbungero
pero eto ako’y nalulungkot medyo sabog nagmumukmok dahil baka nga weirdo ang sagot
sa katanungan wala na ba ako saking katinuan
siguro nga’y ang taong tama ay tinuturukan sa may braso
nilulumpo kahit hindi baldado balot ang ulo at meron siyang jacket na diretsyo
pero pero wala nang pero pero ang bata ay dapat tahimik lang! hindi pa yan k-mpleto

[hook: brent]
oh ano!
wala pa bang sagot sa ‘king tanong?
ibig sabihin lang nun meron pang bumubulong
diyan sa utak natin na kung sino mang nakakulong
lahat tayo ay bulag sa ating pag kaka lulong, lulong!

[verse 2: ian]
ako ay weirdo kung tignan na palaging suntok sa buwan
sanay makipag hulaan pitik bulag kinagisnan
wala sa oras ang tyempuhan, sarado ang lagusan
bigla ring nagising isa ko pa na katauhan
ay nako! wag ka nalang lumaban
kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan
naghahanap ng tama, gusto ay hindi makuha
isang buw-ng wala nilamon na ni bakunawa
napariwara mga kasama’y nawala
rumerespeto ang lahat pag ako na ang may katha
tenga ng lahat, busog sa aking mga obra
nagmistulang mga asong na kadena sa aking letra
ginagawa ko na ang sarili kong hagdan
dahan dahan ang hakbang sa payapa kong daan
may mangingilan ngilan, imbis na suportahan
hihilahin pababa hanggang ikaw ay mawalan
tanging lapis at kwaderno lamang ang aking puhunan
mga boses saking utak na tila nagbubulung bulungan
ang gulo gulo! bakit lagi parang gagi
sinapian nanaman ata ako ni mahatma gandhi

[hook: ian]
oh ano!
wala pa bang sagot sa ‘king tanong?
ibig sabihin lang nun meron pang bumubulong
diyan sa utak natin na kung sino mang nakakulong
lahat tayo ay bulag sa ating pag kaka lulong, lulong!

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...