
maude - takda lyrics
sinabit ko sa bintana ang aking hiling.
saad ang mahabang listahan ng ‘yong muling pagdating.
may sukli nga ba ang maghintay?
mahiwaga ang dahilan kung ba’t hindi ka abot-kamay.
hinulog ko sa balon ang pisong dasal.
sana’y sing bilis lang ng patak ang masaktan.
ang pagmamahal nga ba’y naghihintay?
hindi ba’t tulad nating tumatanda’t namamatay?
minsan lang, minsan pa.
subukan ang tadhana.
kung wag na lang,
o tayo ba, ang takda?
ang takda.
katulad mo din ba akong pangarap ang magbalik
sa araw na tayo ay wala pang alam?
sa unang araw na magtagpo’t masarap ang maging mang-mang.
na hindi iniisip na magtatapos ang saya.
hinulog ko sa balon ang pisong dasal.
sana’y sing bilis lang ng patak ang masaktan.
ang pagmamahal nga ba’y naghihintay?
hindi ba’t tulad nating tumatanda’t namamatay?
minsan lang, minsan pa.
subukan ang tadhana.
kung wag na lang,
o tayo ba, ang takda?
minsan lang, minsan pa.
subukan ang tadhana.
kung wag na lang,
o tayo ba, ang takda?
ang takda.
ang takda.
ang takda.
ang takda.
Random Lyrics
- feffy fussock - people die climbing mountains lyrics
- lord vza - (francesca) turbo turbulence tunnel lyrics
- delbert mcclinton - i need to know lyrics
- unvaye - sea shrooms lyrics
- mykal kilgore - let me go lyrics
- sal priadi - irama laot teduh lyrics
- the firrenes - heart in a field lyrics
- miss ramonne - undone by you lyrics
- paul shapera - xander's breakthrough lyrics
- wesley willis - music farm lyrics