
maki (phl) - para sa buwan كلمات أغنية
araw_araw kitang iniisip
‘di ka ba nadadapa?
lumalim na ang kalumata sa’king mga mata
‘di mo ba nahahalata?
o kapag ika’y nagdududa
ang aking puso’y nalulula
sa rami ng iyong iniisip
na hindi mapantayan
ayos lang ‘yan, nandito lang ako
at kahit ano pa ang nadarama
malabong ika’y pagsawaan
at kahit saan pa mapunta mananatili ako sa’yo
oh, aking buwan na hindi mandidilim
magliliwanag sa lahat ng panahon
pangako ko aling ali daka lakwan, aking buwan
kaluguran daka
tuwing gabi ikaw ang panaginip
lubos ko naman na inaamin
marahil hindi narin alam aking magagawa
kung ikaw man ay mawala
oh, kapag ako ay nagdududa
alaala lang rin na namihasa
sa dami ng aking naging sablay
sa mga taong hindi naging tunay (ayos lang ‘yan)
nandito ka na naman
at kahit ano pa ang nadarama
malabong ika’y pagsawaan
at kahit saan pa mapunta mananatili ako sa’yo
oh, aking buwan na hindi mandidilim
magliliwanag sa lahat ng panahon
pangako ko aling ali daka lakwan, aking buwan
kaluguran daka
hindi ka iiwanan
ako ang iyong tahanan
oh, tahan na, kaya tumahan na
sa dulo man ng kalawakan
palagi mong tatandaan
oh, aking buwan, hindi ka iiwan
hindi ka iiwanan
ako ang iyong tahanan
oh, tahan na, kaya tumahan na
sa dulo man ng kalawakan
palagi mong tatandaan
oh, aking buwan, hindi ka iiwan
oh, aking buwan, ikaw lang ang pagmamasdan
sa lahat ng taong pinili
sa’yo lang ako hindi nagsisi
sa lahat ng kanilang paglisan
ika’y nanatili sa aking mundo
كلمات أغنية عشوائية
- xlly - mortal كلمات أغنية
- donkawoyan - crip walk كلمات أغنية
- suzy bogguss - right back into the feeling كلمات أغنية
- friday fnsty - long gone ! كلمات أغنية
- nirvana - stay away (devonshire mix) كلمات أغنية
- jordanknowsyou - waterfalls (feat. benny p) كلمات أغنية
- suzy bogguss - no good way to go كلمات أغنية
- ophelia sent me - sunday كلمات أغنية
- skee money - scarred كلمات أغنية
- mligxre - without you (for jvsmine) [pt.1] كلمات أغنية