
leona - oras lyrics
[verse 1]
nandito lang ako, laging nasa iyo
ikaw lang, mahal, ang nasa tabi ko
sandal ka lang muna sandali
dito ka lang muna hanggang gabi
[verse 2]
nandito rin ako, ‘di lalayo sa ‘yo
nais kang mahagkan, o mahal ko
sige, dito muna magkatabi
pasandal na muna buong gabi
[chorus]
isasayaw kita nang dahan_dahan
kamay ng orasan, ‘di mapigilan
pagmamahalan na hanggang hangganan
di bibitawan
ikaw ang tahanan
[verse 3]
walang magbabago, pag_ibig ko sa ‘yo
makakasama mo ako hanggang dulo
palaging ikaw ang mamahalin
mawalan man ng oras, ikaw pa rin
[verse 4]
hindi magbabago ang pagtingin sa ‘yo
tanging ikaw lang ang pipiliin ko
hindi magsasawa na mahalin
natitirang oras, sa ‘yo pa rin
[chorus]
isasayaw kita nang dahan_dahan
kamay ng orasan, ‘di mapigilan
pagmamahalan na hanggang hangganan
di bibitawan
ikaw ang tahanan
[bridge]
isasayaw kita
isasayaw kita
isasayaw kita nang dahan_dahan
isasayaw kita
isasayaw kita
isasayaw kita hanggang hangganan
‘di bibitawan
ikaw ang tahanan
[outro]
nandito lang ako lagi sa tabi mo
kahit wala ka na, o mahal ko
hindi pa naman ito’ng huli
paalam na muna sa ‘yong tabi
Random Lyrics
- vybz kartel - the best of them (radio edit) lyrics
- lloyd banks - show you how to do this (freestyle) lyrics
- r. collins - fallen (feat. mission & datin) lyrics
- yamine - she want me lyrics
- cristiane ferr - oferta de amor lyrics
- tako (esp) - hombre al agua lyrics
- manii2trill - look lyrics
- boxx tubez - anxiety lyrics
- dhanush - chill bro lyrics
- zamariion - feelings lyrics