johnmar aquino - anak ng pasig كلمات الأغنية
ako’y umusbong sa tabi ng pasig
nagisnan ang ilog na itim ang tubig
lumaking paligid ng bundok na umuusok
langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok
ito ang buhay ng anak ng pasig
pa-swimming swimming sa itim na tubig
playground lang ang bundok ng basura mo
musika’y ugong ng kotse at bangka n’yo
anak ng pasig naman kayo
kalat doon, kalat dito
natakpan na ang langit kong ito
nilason din ang ilog ko
akala ko’y ganoon talaga ang mundo
hanggang nakakita ako ng lumang litrato
di maniwalang pasig din ang tinitignan ko
kaibigan ano ang nangyari dito
(anong nangyari? anong nangyari?)
anak ng pasig naman kayo
kalat doon, kalat dito
natakpan na ang langit kong ito
nilason din ang ilog ko
anak ng pasig naman kayo
tapon doon, tapon dito
di n’yo alam ang tinatapon n’yo
ay bukas ko at ng buong mundo
huli na ba ang lahat
patay na ba ang ilog at dagat
kapag pasig ay pinabayaan
parang bukas ang tinalikuran
anak ng pasig naman kayo
kalat doon, kalat dito
natakpan na ang langit kong ito
nilason din ang ilog ko
anak ng pasig naman kayo
tapon doon, tapon dito
di n’yo alam ang tinatapon n’yo
ay bukas ko at ng buong mundo
anak ng pasig naman kayo
may bukas pa ang ating mundo.
كلمات أغنية عشوائية
- самцы (samcy) - соловей (nightingale) كلمات الأغنية
- adorons l'éternel (gael music) - sans pareil كلمات الأغنية
- iluvkxy - let's get it كلمات الأغنية
- ill bill - alien phone tap كلمات الأغنية
- alexa valentino - nowhere fast كلمات الأغنية
- renato zero - far natale كلمات الأغنية
- fukkfaace - release the jj cut (skit) كلمات الأغنية
- tamino404 & keule - es tut mir leid كلمات الأغنية
- beach fossils - dare me كلمات الأغنية
- charlie kam - i am the very model of a singularitarian كلمات الأغنية