
joey ayala at ang bagong lumad - talambuhay lyrics
[verse 1]
noong ako’y ‘sang bata pa ako’y nagtataka
kung saan nagmumula ang ilaw t’wing umaga
tinuro ni ina ang bilog ng araw
ito ay aking tiningnan at ako ay nasilaw
[verse 2]
ng_yon alam ko na ang araw ay isang bituin
at tuwing gabi sa langit ako’y nakatingin
libo_libong tala dito’y nagkikislapan
libo_libong kasama sa dilim at kalungkutan
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kasama sa dilim at kalungkutan
[verse 3]
nang tayo ay magtagpo sa parang ng buhay
pagkatao ko ay nagising sa ‘yong kamay
pinag_aralan natin ang sining ng pag_ibig
ako’y nagkalakas_loob, tumibay, tumindig
[verse 4]
ng_yon alam ko na ang pag_ibig ay isang bituin
batid mo ang tanglaw kahit ‘di kayang abutin
ika’y biglang tumungo kung saan ‘di ko alam
kasama ng_yon sa pag_iisa’y pag_ibig na naiwan
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
aanhin itong pag_ibig na naiwan
[instrumental break]
[verse 5]
nang malasahan ko ang dahas nitong mundo
pag_ibig na naiwa’y nagkabagong_anyo
naintindihan ko na ika’y naging tala
ang ilaw mo’y tumatagos sa gabing nagluluksa
[verse 6]
ng_yon alam ko na kitang tanan ay mga bituin
mahina man ang ilaw, ang araw ay darating
at tayo’y liliyab
at ang gabi ay masisilaw
sa libo_libong kasamang
nagbibig_y_tanglaw
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kitang tanan pala’y mga bituin
pag_ibig natin ay magniningning
كلمات أغنية عشوائية
- mimifly - enigma lyrics
- terry o' neill - a nation once again lyrics
- kelis - feat. too $hort lyrics
- panic! at the disco - house of memories lyrics
- rihanna - consideration lyrics
- chets worship feat. j. robinett - one thing remains (feat. j. robinett) lyrics
- u sung eun - marihuana lyrics
- janani s.v feat. k - naanal poovaai lyrics
- fornicators - concluded lyrics
- amazarashi - unplugged lyrics