
jarlo bâse - kalapati كلمات أغنية
[verse 1]
sa bunga mo ba makikita
ang halaga ng puno ng narra?
sa kulay mo ba mahahanap
ang halimuyak ng sampaguita?
[pre_chorus]
at ‘di ba’t ibon pa rin naman
ang kalapating nawawalan ng pakpak?
‘di makalipad sa kalangitan
‘wag hanapin ang pagkukulang
[chorus]
sana tatanggapin mo pa rin
kahit walang maipagyayabang
‘wag mong limutin dating sa atin
sakaling ‘di mo matanggap pinagmulan
[verse 2]
hindi sa takbo o paglipas
dapat balutin ang sukat ng oras
hindi mo naman masasabing
bawat kabibe’y ang hawak ay perlas
[pre_chorus]
‘di ba’t ibon pa rin naman
ang kalapating nawawalan ng pakpak?
‘di makalipad sa kalangitan
‘wag hanapin ang pagkukulang
[chorus]
sana tatanggapin mo pa rin
kahit walang maipagyayabang
‘wag mong limutin, dating sa atin
sakaling ‘di mo matanggap pinagmulan
[bridge]
sabay ng pagsikat sa tila balikat
ng ating mundong tayo’y inililipat
patungo sa bukas, saglit kung lumipas
pagkakamali’y hahanapan ng lunas
sabay ng pagsikat sa tila balikat
ng ating mundong tayo’y inililipat
patungo sa bukas, saglit kung lumipas
pagkakamali’y hahanapan ng lunas
[pre_chorus]
‘wag nang hanapin ang pagkukulang
[chorus]
sana tatanggapin mo pa rin
‘pag ‘yong malaman ang pinagmulan
‘wag kalimutan, pinagdaanan
sakaling ‘di mo matanggap
كلمات أغنية عشوائية
- sproutfit - suburb town كلمات أغنية
- lim - les voyoux sont de sortie كلمات أغنية
- oceanator - nowhere nothing كلمات أغنية
- bëlga - mivót كلمات أغنية
- mercy bell - big sky wide open كلمات أغنية
- 7ae - why كلمات أغنية
- d smoke - crossover كلمات أغنية
- bogdan beyn - crazy world كلمات أغنية
- starmonger - rise of the fishlords كلمات أغنية
- chef sol - cherry grove كلمات أغنية