
jamiela - kahon كلمات أغنية
[verse 1]
isang hakbang sa makitid na daan
tulakin ang sarili kahit buto pa ay mabali
k_mapit hangga’t hindi pigtas ang lubid
dahil mata’y sa dingding, nagmamasid
pumapatak na naman ang oras
kailangang magpatuloy, walang aatras
sinisita ang bawat galaw
maabot lang ang dulong nakakasilaw
tiisin ang pait sa magaspang na proseso
kailangang mapuna
kailangang sigurado
[chorus]
nagsusunog na naman ng kilay
hanggang puso ay maubusan na ng kulay
sumabog na ang ugat sa ulo
medalyang ‘di abot ang numero uno
linalagpasan na ang limitasyon
‘di ko na kayang manatili sa loob ng kahon
[verse 2]
isang hagdan ng marikit na kapalaran
tahakin nang maigi mahina ng binti
tila ibong nakahawlang walang tinig
pero hindi ako bingi sa pagpaparinig
pumapalya na ang lakas
di masabayang daloy, nais kong pumiglas
sa kawalan, ako ay nakadungaw
hinahangad pa rin gintong nakakauhaw
tiisin ang sakit
huwag mag_iiwan ng blangko
ako ay maputla
ako ay desperado
[chorus]
nagsusunog na naman ng kilay
hanggang puso ay maubusan na ng kulay
sumabog na ang ugat sa ulo
medalyang ‘di abot ang numero uno
linalagpasan na ang limitasyon
‘di ko na kayang pumirmi sa loob ng kahon
di na, di na matiis
tagaktak na ang pawis
sa inaasam na bungang kay tamis, bilis
di na, di na matiis
tagaktak na ang pawis
sa inaasam na bungang kay tamis, bilis
[chorus]
nagsusunog na naman ng kilay
hanggang puso ay maubusan na ng kulay
sumabog na ang ugat sa ulo
medalyang ‘di abot ang numero uno
lagpas na sa aking limitasyon
‘di ko na matiis sa loob ng kahon
nakataas ang kanilang mga kilay
nang marating ko na ang dulo ng tulay
pigang piga na ang aking ulo
na sa akin na nga ang unang pwesto
nalunod na sa ganitong sitwasyon
‘di na ko makahinga sa loob ng kahon
oh oh oh oh oh oh oh oh
di na, di na matiis
tagaktak na ang pawis
sa inaasam na bungang kay tamis, bilis
[outro]
bakit wala pa rin ang pagkakataon?
na makaalis sa loob ng kahon
nais lamang lumawak ang imahinasyon
mag_isip sa labas ng kahon
كلمات أغنية عشوائية
- bootleg - never take me alive كلمات أغنية
- cdot honcho - anti كلمات أغنية
- i am strikes - bitches كلمات أغنية
- jay voss - don't need her كلمات أغنية
- strike the colours - if i don't belong كلمات أغنية
- j-great - 99 vibes كلمات أغنية
- soldato eterno - get there كلمات أغنية
- karim mounir - archive n°1 كلمات أغنية
- kid crave - control freak كلمات أغنية
- david and the giants - when i close my eyes كلمات أغنية