kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

isurge music - sarsuwela ng bayan كلمات أغنية

Loading...

sa entablado ng kongreso
paulit_ulit ang dula
mga pangakong binibitawan

na uuwi sa wala
habang ang bulsa’y lumulobo
ang bayan ay lumuluha
trilyong piso’y naglalaho

sa ilog ng katiwalian
tayong mga pamilyang pilipino
tayo ang nagbabayad
tayong pinipilit na manahimik at magtiis

hanggang kailan kami magiging biktima
hanggang kailan lulunurin ng inyong mga gawa
boses ng bayan ngayon ay sumisigaw
di na kami manonood ng inyong sarsuwela

bayan ang nagdurusa
sa bawat kasinungalingan
pader ng palasyo
hindi kailanman maabot ng mamamayan

ngunit sa bawat baradong ilog at k_n_l
nandon ang dugo, pawis at pag_asa ng bayan
tayong nagtatanim
tayong nagbubungkal
ngunit trilyon ang ninanakaw sa ating mga danggal
hanggang kailan kami magiging biktima
hanggang kailan lulunurin ng inyong gawa
boses ng bayan ngayo’y sumisigaw

di na kami manonood ng inyong sarsuwela
kung ang puso ng makapangyarihan ay bato
ang puso ng pilipino’y apoy na naglalagablab
pagod na kami, sawa na kami

bayan ko, bumangon ka!
isigaw ang hustisya!
hindi na kami tatanggap ng inyong palabas
hindi na kami mananahimik sa inyong patalastas

boses ng bayan, apoy na naglalagablab
sarsuwela nyo’y luluhod sa galit ng taongbayan
hindi kami biktima
kami ang lakas ng bansa

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغنية الشائعة حالياً

Loading...