
inang laya - babae كلمات أغنية
[verse 1]
kayo ba ang mga maria clara
mga hule at mga sisa
na ‘di marunong na lumaban?
kaapiha’y bakit iniluluha?
mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
[verse 2]
kayo ba ang mga cinderella
na lalake ang tanging pag_asa?
kayo nga ba ang mga nena
na hanapbuhay ang pagpuputa?
mga babae, kayo ba’y sadyang pang_kama?
[chorus]
ang ating isip ay buksan
at lipuna’y pag_aralan
paano nahubog inyong isipan
at tanggaping kayo’y mga libangan
mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
[verse 3]
bakit ba mayro’ng mga gabriela
mga teresa at tandang sora
na ‘di umasa sa luha’t awa?
sila’y nagsipaghawak ng sandata
nakilaban, ang mithiin ay lumaya
[verse 4]
bakit ba mayro’ng mga lisa
mga liliosa at mga lorena
na ‘di natakot makibaka
at ngayo’y marami ang kasama?
mga babae, ang mithiin ay lumaya
[chorus]
ang ating isip ay buksan
at lipuna’y pag_aralan
paano nahubog inyong isipan
at tanggaping kayo’y mga libangan
mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
[verse 4]
bakit ba mayro’ng mga lisa
mga liliosa at mga lorena
na ‘di natakot makibaka
at ngayo’y marami ang kasama?
mga babae, ang mithiin ay lumaya
[outro]
mga babae, ang mithiin ay lumaya
كلمات أغنية عشوائية
- koziołek - masz to كلمات أغنية
- imran dadaşov - keyf elə كلمات أغنية
- neuro-sentence - archetypes & avatars كلمات أغنية
- райс (therisemusic) & егор натс (egor nats) - океан (ocean) كلمات أغنية
- bryansanon - lemme talk to em كلمات أغنية
- m.l.j. tha beatmaker & kit presley - crush (remix) كلمات أغنية
- brotherhood of darkness - pinnacle كلمات أغنية
- essence martins - like a fool كلمات أغنية
- 2ton - yje كلمات أغنية
- friendly thug 52 ngg - rat dance كلمات أغنية