kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

greyhoundz (rap) - xxv كلمات الأغنية

Loading...

[verse 1: gloc 9]
simulan natin ang bente singko
hawak ko nung ako’y nangarap
mga kapatid na aso ako’y niyakap
nilawayan upang di na bumuka ang tarak
at humarang sa mga ayaw na magpaawat
binuksan ang pintuan ng tahanan nila’t ako’y pinatuloy
maginaw, sinindihan ang apoy
walang taguan ng baraha, maglaro man ng pusoy
maluwag ang huminga kahit na ano pang_amoy
kilala namin ang isa’t isa
kahit na kapaligira’y mag_iba
buo’t barya, lagi kaming may paninda
sagot kita ano man ang tanong nila
alisin na sa usapan ang korona at trono
isa lang ang may karapatan, ayoko
kahit kung minsan ako ay tila ba wala sa tono
aawit pa rin kapag pinasabay sa koro ng todo
[chorus]
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya kami nakarating
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya kami nakarating
(para kang pinasakay sa tangke)

[verse 2]
sinargo ang parada, palaruan inangkin
walang babala sa delubyong dumating
namulat ang madla sa talas ng patalim
nagliyab ang entablado, ‘lam mo, sino nagsindi?
ginaw_ng araw ang gabi
mga pagkakataon ay pinagtahi_tahi
dugo’t pawis ang alay kada ambag, kada tari
buwis buhay kada lapag, kada lagari
gera kung gera sa’n man ang pwesto
asahang dala namin ang krudo para sa puso
taas bandera, taas kamao
sabay natin buhatin ang bigat ng mundo
sumuntok sa buwan at naging tala si juan
salamat kay bathala, siyang bahala, siya nawa
n0benta’y syete hanggang kasalukuyan
kami ang bakal at apoy na walang kamatayan
[chorus: gloc 9]
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya kami nakarating
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya

[refrain]
parang baga na hinipan, siguradong aapoy, ‘di mahina
hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
kapag tumatagal, umiinit ang makina
sinasakal, ‘di mapipigil ang paghinga, akin na

[verse 3: gloc 9]
laging lagyan ng laman ang balde
‘di nababasa kahit na umanggi
kulang ang sabi_sabi kapag kami pinagtabi
darating agad_agad, lalapag araw o gabi
tila musika sa tenga, parang kamot sa kati
ako ay tagahanga na pinagpala
nakamit ang pangarap na walang daya
‘di mahirap sa amin ang magpaubaya
bitawan ang galit upang tayo’y lumaya
[bridge]
kahit sa malayo ang sadya
hindi nanghina ang pagpadyak
kahit na sa laot inulan
tuloy_tuloy lang ang pagsagwan
kahit na matayog ang lipad
mga paa’y sa lupa naglalakad
laging uhaw sa pakikipagdigma
kaluluwa’y busog na busog sa biyaya

[chorus]
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya kami nakarating
pumalag sa agos, kami nakatawid
sumabay sa alon, kami ang nanaig
pumalag sa hamon, sa’yo na ang sukli
hindi napagod, kaya kami nakarating

[refrain: gloc 9]
parang baga na hinipan, siguradong aapoy, ‘di mahina
hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
kapag tumatagal, umiinit ang makina
sinasakal, ‘di mapipigil ang paghinga, akin na

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...